The true genius

Nov 12, 2005 10:42


Once upon a time, when an an extremely eager jezzah was new in the blogosphere and was plaguing everyone with her stale ideas and hideous grammar (she still is actually), she boasted of having "antennas that are always up to seize every stimulus" that may move her to compose more entries. As often as she could, she wrote and wrote and wrote. She thought she was doing a wonderful job at keeping her journal read worthy. Then she committed a terrible mistake: She read what she had compiled. It made her eyes bleed and her neurons to eat each other. She wanted to give up on blogging.

But because of some twist of fate and her lack of guts, it turns out she has been blogging for more than seven months already. So, wala lang. I'm just reminding my self that this blog exists and I have to update it. I've ignored this blog long enough.

*~**~*

Of course, there are people stupider than you...

In a span of week, I've seen two people hit street signs and another slam against a wall (he must be reading something while walking. I did not actually witness the incident; pam did. Sayang.) So there I was feeling smug and superior, then I heard this story.

...but they sure have far greater chance at happiness.

Ikikwento ko ito sa Filipino. Sabi ng Filipino teacher namin, mas makakapukaw ka raw ng damdamin pag nag-Tagalog ka. Ewan. Siguro nga. Anyway...

Kwento nito ni Marcel, isang simpleng trabahador sa isang naghihingalong kumpanya ng rubber. Hindi nakapag-aral si Marcel. No read no write. Ni hindi marunong magbilang hanggang ten. Wala man lang sapat na cunning para makapagsinungaling nang epektibo. Ni hindi alam kung ano ang "beach". Nang napunta siya ng Antipolo para mag-deliver ng kung ano at nakakita siya ng fog, akala niya beach yon. Hindi lang siya mangmang, laking probinsya pa. Napakadaling lokohin kaya laging pinagdidiskitahan ng kanyang mga co-workers. Ninanakawan. Inuuto. Inaabuso. Kaya ganon, ang kakarampot niyang perang pinaghihirapan at pinagpapaguran, nababawasan pa lalo nang hindi niya alam.

Isang araw, nagpunta sa pagawaan namin si Marcel. Naging temporary worker namin siya. Mas maganda nang onti ang sweldo, libre pa ang pagkain. At higit sa lahat, mabuti ang pakikisama sa kanya ng mga kasamahan. Nang pinapabalik na siya sa dating pinagtatrabahuan, naiiyak niyang sinabi sa mga bagong kaibigan na ayaw na niyang bumalik. Gusto niyang sa kumpanya na namin magtrabaho hanggang sa mamatay siya. Ganon siya ka-kuntento.

Bata pa si Marcel--26 years old lang. Pero handa na niyang i-dedicate ang buhay niya sa kumpanya namin dahil lang sa minimum wage na sweldo, libreng pagkain at mabubuting co-workers. Okay na ang buhay niya don. Mabubuhay na siya ng masaya.

Matuturi mang tanga si Marcel, henyo naman siya sa pagtukoy ng mga essentials sa buhay. Mababaw lang ang pangarap niya kaya mas madaling abutin. Mas madaling makumpleto ang buhay niya sa akin, kaysa sa atin.

Henyo nga talaga.

*~**~*
Previous post Next post
Up