Jul 25, 2008 00:47
August 2 and 3, 2008. UPCAT. Milyon-milyon na naman ang kikitain ng UP system dahil sa UPCAT. Sa mga registration fees pa lang, pwede na siguro silang magpatayo ng bagong building! Some graduating high school students must have spent thousands in those lavish review centers in preparation for the said exam. But be not afraid, madali lang ang UPCAT.
If not mistaken, I took the exam sa National Institute of Physics. 'Ung luma, sa likod ng AS. Syempre Claretians represent, so magkakatabi kami. Although we were not classmates, birds with the same feathers are the same birds, so pila, upo, instant cheating arrangement! It was a huge classroom, malayo ang CR. Malamang physics lecture room yun. Pero come the end of the exam, I knew it. Welcome to UP na ang kasunod. Ayun, UPLB, applied math. Applied Math lang naman. Though LB pero keber, nakapasa ako. Wahahaha! I still can't help but wonder what my life would have been if I chose LB over Ateneo.
Hindi naman sa pagmamayabang, madali ang UPCAT. Mas mahirap pa ang ACET, pero definitely mas mahirap ang UPCAT compared to DLSUCET. Naman! Anong comparison ito?! I finished every parts on time. Keri lang ung math (oo, mayabang ako), mas mahirap pa ung sa mga reviewers. The rest of the items were ok. When taking exams, I hate going over my answers for review. Pag hindi mo alam, di na talaga alam, so hula... C na lang!
UPCAT also causes traffic sa Katipunan. Sa August 2, sana walang buhol-buhol na traffic sa Katipunan kasi ViH Orientation Seminar sa Ateneo. Faura AVR, 1pm. (ViH goes to Ateneo, beybe!) Buti na lang ang ponga ng acoustics ng Irwin Theater, else... Nananawagan po kami, ako, and I'm sure kasama ang Ateneo College Glee Club at Ateneo Chamber Singers, kay Fr. Ben Nebres na ipagawa po ang acoustics ng Irwin Theater. Para hindi lamang po ito magamit para sa mga awards night, kundi pati na rin na rin po sa ibang musikal na palabas.
Sa mga kukuha ng UPCAT, good luck. Sa mga koro ng hayskul, Voices in Harmony na!