i never said... that i didn't love you

Jul 07, 2007 13:55


Ang tao raw nagmamahal pero kelangan lubos para maging totoo. Pero paano kung walang bumabalik? Ang nagmamahal raw parang isang negosyante. Investment ang lahat. Kelangan may returns of capital. Pero paano kung walang kang tinutubo sa bawat labas mo ng pera? Magpapatuloy ka lang ba sa operasyon ng negosyo para lang mabawi ang fixed costs o ititigil mo na lang at ituturing na bad business ang lahat? Ang negosyo may mga libro, ledgers, journals, at financial statements para malaman ang takbo nito. Ngunit sa pag-ibig, wala kang record. Walang basehan kung ilang e-load o tawag o ym messages na ang nagastos mo. Kung ilang oras o araw o buwan o taon ang nalaan mo. Wala. Wala kang listahan. Wala ka dapat listahan. Pero paano mo ba malalamang oras na pala para tumigil? Para itigil ang paglabas ng pamuhunan sa pag-ibig. Para itigil ang lahat. Sign ni Lord? Masyado na maraming problema si Lord tulad ng mga bagyo at gulo sa Iraq, kaya wag ka ng pa-sign-sign. Paano? Tagal ng panahon? Wala. Walang may alam. Kahit si Bob Ong na malapit na yatang maging National Artist, hindi niya rin alam. Ngunit subalit datapwat, kapag ba humupa o nag-move-on ka na sa kanya, masasabi pa rin bang totoo at wagas ang pagmamahal na inilaan mo no'n? Ang ibig sabihin ba ng "lubos" sa simula ay lubos lamang sa isang takdang oras, sa isang takdang panahon? O katumbas na rin ito ng salitang forever?

If you really love someone, I believe that you should stand by him. Not because you committed yourself to him or that he expects you to keep your word, but because you honestly believe that you do. Love really at first is always exciting. It makes you look forward to tomorrow and makes you joyful every moment. But it should also be secured and that it should always honest. Though actions may speak louder than words we all still need that verbal reassurance that it’s there. And even if it has been spoken, we’d need to hear it every now and then. Sometimes we fall and find ourselves in a position where it is not secured nor everlasting. But because we believe that what we feel is sincere and real enough, we would live love on what it has to offer for today hoping that things wouldn’t have changed for the inevitable tomorrow. To people like us to which it seems love is not meant to be, we stubbornly give love every chance we get hoping it would be our happy ever after.

- Dr. Yang of Grey's Anatomy

= = = = = = = = =

If symptoms persists, consult your doctor.

Previous post Next post
Up