Owen

Mar 31, 2010 16:36

Pangako mo sa sarili mo at sa lahat ng taong naging parte ng buhay mo na gagawin mong maganda ang iyong pelikula.

Tandaan mo ang Abril at Mayo ng 2007
Tandaan mo ang mukha nya sa tuwing umuuwi sya ng hapong-hapo at pagod.
Tandaan mo ang hirap na dinaanan nila para makarating kung nasaan sila at ikaw ngayon.
Tandaan mo rin ang tatlong semestre na yuon. At yung isang espesyal na semestre na wala ka.
Tandaan mo yung tuwing patapos na ang sem at yung sinasabi mo sa sarili mo.
Tandaan mo na hindi na lang sa sarili ang mga magiging obligasyon mo.
Tandaan nyo ang mga nang-aapi at inaapi.
Tandaan nyo ang bayan.
Tandaan mo yung mga mabubuting kaibigan mo na sinuportahan ka sa maraming aspeto at pagkakataon ng iyong buhay.
Tandaan mo siya. At yung bago ngayon.
Tandaan mo yung 1 oras na nasa jeep ka at nung paalis ka na nang gabing yuon.
Tandaan mo lahat-lahat ng nangyari sa'yo.

Marami kang maiisip.
Marami kang iisipin.
Marami kang bitbit.
Marami kang bibitawan.
Marami kang dapat palayain.
Marami kayong dapat lumaya.
Marami na ang nagsakripisyo.
Marami pa ang magsasakripisyo.

Umayos ka...

At ayusin mo...

.
.
.
.

Ang paggawa ng pelikula ay hindi gawang biro.
Previous post Next post
Up