Nov 10, 2008 09:49
Ito ang first time na nagpuyat ako sa buong senior year ko. At kahit Wednesday yung day na super daming kailangang i-submit, tinatapos ko na siya ngayon kasi... mabuting estudyante ako.
Kinakagat ako ng lamok.
Gusto ko maging rapper. Pag hindi natupad yung iba kong pangarap sa buhay, magiging rapper na lang ako.
Meron kaya akong tumor? Or pimple lang 'to? Paranoid ako e.
Natanggap ko ng Presidente na si Obama. Hindi na ako in denial. Unlike sa ibang parte ng buhay ko.
Hindi na ako ganoon kagaling sa Jeopardy. Mas onti na yung mga tanong na nasasagot ko. Hindi ko alam kung dahil mas mahirap yung categories o bobo lang ako.
May ginawa ako kanina na na-miss kong gawin mula last year. Si Sarah, Abby, Leanna at Jes lang yata ang nakakaalam nito. HAHAHA!
Masyado akong inspired sa High School Musical 3.
Nagkakaroon ako ng sarili kong concert kanina dito sa harap ng computer habang nakikinig ng mga boy band songs.
Namimiss ko na yung friends ko nung 3rd Year.
Random Things I Want To Say To Random People:
Joanna, paalam ka!
Eya, we'll see.
Angelique, may nabasa akong West Wing quote. Well, hindi ko siya nabasa talaga, naka-embed na siya sa brain ko because that's how I roll. Ito yun: You don't need a pardon. You need a frying pan to the side of your head. HAHAHA!
CRAP, namiss ko na naman ang West Wing.
Eloise, kailangan matapos natin yung "holy rap" para ma-present natin kanila Andie, okay?
RJ, bukas ako magrereact. Ipaalala mo lang sa'kin.
Ate Jen, nasaan ka na ba? Hindi mo ba namimiss ang pagmumukha ko? Itatakas kita at magtutungo tayo sa isang liblib na lugar kung saan walang gagambala sa atin... Okay, tinatamad na ko mag-isip pa. Basta! Seryoso akong namimiss na kita. Kahit di mo ko namimiss, wala akong pakialam. Di ka talaga dadaang Katip or di man lang ba tayo makakapag-mall o ano? Pakiramdam ko marami kang dapat ikwento sa'kin.
Anay, hanapan mo ko ng song na kasingganda nung sa Stars. Ayoko yung kinakanta mo sa'kin e.
Lian, na-touch ako sa Hero. Bakit ganoon?
Lou, hindi kumpleto ang araw ko kasi hindi kita nakita today. NATTTTT
Jes, good luck sa contest mo. Mananalo ka because I can see the future. And ito yung key: akitin mo yung judges. Yeah, baby. BLEH. Nasusuka ako sa sinulat ko.
Sarah, movie marathon tayo ulit! Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please?
Tammy and Henn, bawi tayo! WE HAVE TO! It's the condoms' fault. HAHAHA! That is so funny. Okay, tumatawa ako mag-isa. I look stupid.
Patty, natou-touch ako tuwing binabasa ko yung palanca mo. At siguro tinatanong mo yung sarili mo, bakit binabasa ni Ilene yung palanca ko? At siguro iniisip mo, sa'kin lang ba yung palanca na binabasa niya? Parati ba niyang binabasa yung palanca ko? Hmmmm... Sige, Patty, mag-isip ka lang. HAHAHA! I miss you!
Danya, benta ang stat mo kahapon. Oo na, maganda ka na. HAHAHA!
Corr, rroc, orrc, rorc, croc. Okay, nag-experiment lang ako sa name mo.
Obama, inspire me, okay?
SABAW. SABAW. SABAW. SABAW. SABAW. SABAW. SABAW. SABAW. SABAW.