I want to learn how to drive!

Apr 21, 2006 16:12

I want to learn how to drive...I'm already old enough to drive, but sadly my mom won't enroll me to a driving school and I'm getting jealous because my cousin got her own car and her own driver's license.....*sigh*

Sinamahan ko siya sa LTO last Wednesday to get her own license and thanx to my uncle's inside connection at LTO (kilala niya kasi yung head ng LTO sa Caloocan branch)nakuha niya agad ang licnese niya on that day and hindi na siya kumuha ng drive test...kinuha lang niya yung examination na para kang kumukuha ng college entrance exam and she was provided a reviewer that serves as her leakage...akala ko nga sineryoso niyang i-perfect yung 40 item exam, yun pala natagalan siya sa pag-review bago siya kumuha ng exam and it only took her 5-10 minutes to answer that exam....

Kung alam ko lang sana sumabay na akong kumuha ng student permit kaso wala akong dalang pera...so pag-uwi ko, kinulit ko si Kuya Mike na turuan akong mag-drive kahit pa ikot-ikot lang sa gas station and so he did teach me how to drive...well kinabahan ako noong tinuturuan na niya ako and my legs are trembling in nervousness pero sabi ni Kuya Mike na lakasan ko raw ang loob ko and I did...inikot ko yung Crosswind namin ng 5 or so rounds and I parked it on my own with Kuya Mike's assistance =) at pagbaba ko ng car, nanlambot ang tuhod ko....after effect sa sobrang kaba lol!

Kinabukasan, pumunta kami ni mama, kapatid ko and 4 of my mom's friend to La Union to pray for the Goddess Ma-Tzu, a sea goddess in La Union, because she is celebrating her birthday...umalis kami ng bahay ng mga 5+ ng umaga at nakarating na kami doon ng bandang 1 ng hapon dahil nag stop-over kami sa Jollibee Tarlac para kumain ng breakfast.
So after we prayed to the goddess Ma-Tzu we ate lunch just below the chinese temple at ang sarap ng sweet and sour fish at lechon nila dun dahil hindi masyadong mataba ang baboy nila....we ate there for free XD After we had our luch dumeretcho kami agad sa Baguio upang maglibot at mamalengke...mamamalengke nalang nga sa Baguio pa! San ka pa!? Ang lamig ng simoy ng hangin dun at preskong-presko, it reminds me of my last visit in Hong Kong dahil ganun yung weather doon...I miss Hong Kong badly T-T
Nakauwi na kami ng ala una ng madaling araw dahil minsan lang kami umalis ng Manila =)
Previous post Next post
Up