Aug 16, 2008 23:51
it's been a while since i last posted and ito pa ang maipo-post ko. masakit isipin na parang kelan lang eh nag-post ako na na-hospital sya. then last tuesday (08-12-08) lang, he finally left us.
it was all of a sudden. shocking kasi nung sunday (08-10-08) lang nginingiti-ngitian nya ako nung dumalaw ako. tinanong nya kung san si benedict, sabi ko nasa bahay. then he told me, "wag mo syang pababayaan ha." then i told him, "sige, pagaling ka na." then he slept again. i was to go back the next day (08-11-08) kaso dahil sa abnormal na panahon, sumakit ulo ako. so sabi ni mama, kinabukasan na lang daw. eh kaso hindi na nga ako nakabalik kasi iniwan na nya kami at 9:30am.
it was hard. sobrang hirap tanggapin na ganun ang nangyari. hanggang ngayun may part pa rin ng utak ko na ayaw i-accept 'yung fact na wala na si papa; na pinaglamayan na namin sya at bukas ay libing na nya. parang feeling ko lahat ng nangyayari eh parang isang eksena sa pelikula o teleserye na napapanood ko lang o isang masamang panaginip at gusto ko na magising, parang napaka-unbelievable ng lahat.
nung una, sobrang sakit para sa akin. nung first 2 days, talagang naiiyak ako everytime tinitignan ko sya sa coffin nya. then si mama, 3 days umiiyak every now and then. tsaka makikita mo na sobrang lungkot nya.
sa ngayun, medyo natatanggap na namin na ganun talaga. hanggang dun na lang. tsaka walang huling habilin si papa eh. wala naman syang sinabi kay mama. so ibig sabihin, talaga lang tapos na ung mission nya sa mundo kaya kinuha na sya. naisip namin na mas okay na 'yun kesa naman sa pahirapan pa sya ng sakit nya. buti nga ilang buwan lang sya naghirap. d tulad nung iba na taon ang binibilang.
salamat nga pala dun sa mga nakiramay. dun sa mga pumunta, salamat ng marami. dun sa mga tumawag, nag-text, nag-message, salamat din. natuwa naman ako kasi ang dami ko palang tunay na kaibigan. na-touch naman ako kasi akala ko iilan lang kayo. salamat din sa mga prayers. maraming salamat talaga.
don't worry guys, we'll be fine. andyan lang naman si papa. hindi naman nya kami pababayaan. alam nyo naman, i'm strong. hehe. masaya na rin ako kasi alam kong masaya na si papa kasama ng lolo at lola ko.
papa,
family,
life