(no subject)

Oct 06, 2008 23:17


One down, a couple more to go.

So natapos na  Adver defense na sobrang nginarag dahil nakalitgtaan namin siya sa dami ng ibang gawain. I'm glad it's over, though I wish it could have been better.

Actually, I have not slept much since yesterday. Natapos namin yung IMC Plan nung umaga na, sa totoo lang. Haha. Mga 6:30 AM na ako natulog tapos nagising ako ng 9:30. Well, gising na ako kasi ka-text ko si Rayne about the frequency of Ads pero nakakatulog pa rin ako. Late ako, haha, pero hindi ako nagmadali. Kaya naman 'pag dating ko sa Lit class, nakapag-quiz na pala sila, 'ni hindi man lang ako nakahabol. T_T Ugh, like I care. Stupid professor kasi. Haha.

Nagasikaso na lang ako ng Adver. Nalaman kong nagkakagulo pa yung Creatives Dept. kasi may kulang pa sila. Nung binasa ko yung plan, nalaman kong may major error sa Media Vehicles dahil hindi ako nakasama sa discussion ng mga Accounts people. May B&W ads na nakasama sa Inquirer pero yung nagawa kong ads lahat in full color. Ohnoes. T_T Ngarag. So ayos ulit ng budget plan. Computecomputecompute. Dumating ang alas tres, nagaayos na kami ng powerpoint at final paper kasi in an hour and a half, magde-defend na kami.

After 2 hours, 1st group pa lang ang tapos mag-defend kasi sobrang sinabon sila ni Ma'am Pusta. X_x Last group kami out of four groups. Kamusta naman ang free time namin. 'Makauragon' Pinapa-Bicol ko na lang si Frances, kasi hanggang ngayon 'di ko pa rin natututunan yun. :9 Nakasimula kami mga past 7 na, more than an hour later than our class' schedule. Natapos kami ng 8:30. Woot.

Nagreport kami, kaso minadali kami kasi kulang na sa oras. Panira ng composure. Hahahahaha. 'Di ko kayang bilisan ang report ko, 'di ko rin nasabi lahat ng gusto kong sabihin. >_< 'Di masyadong napansin yung radio commercials namin. 'Ni hindi kami natanong, puro pointers at criticisms lang ang natanggap namin. Walang defense na nangyari kasi gahol sa oras. That was the most disappointing part of it all. Handa pa naman sana mga sagot ko. Huuuw.

But then again, sa pango-okray nina Ma'am Pusta't Sir Montana, mas nalinawan ako sa mga pagkakamali namin. Ang dami naming kulang pero ayos lang. Enjoy pa rin kahit walang tulugan para lang matapos ang mga dapat tapusin. Next time, sa AdQuest, bawi na us, guys.

Bukas, Sociocomm paper naman ang aasikasuhin kasi yung draft namin, isang malaking equis lang ang natanggap. Hahahaha.
Wednesday, aral for the-ever-so-walang-kwentang Lit and Spanish finals. Tapos sulat na rin ng aking 60-page script.
Thursday, Lit and Spanish finals.
Friday, aral for Psych (rawr) and prepare na for Sociocomm defense (kasi nakakatakot talaga si Sir Choa magalit at mang-okray). ~_~
Saturday, Sociocomm defense for our paper about Ethnicity sa umaga, Psych finals sa hapon at 60-page script sa gabi. Goodness, hanggang 9pm pa ang deadline ng script. Haha. Ang saya.

Napatagalog ako. LOL.

'F-I-D-E-O
F I to the E to the D to the O!'

Hindi pa rin ako inaantok. Oh no! Why?

defense, sociocomm, scriptwriting, literature, college, psychology

Previous post Next post
Up