(no subject)

Jul 13, 2009 22:59

May nakita akong enkantada. Isang mahiwagang enkantada. Meron ba naman kasing enkantadang hindi mahiwaga? Hm, meron siguro. Yung mga naka-costume na makikita sa mga cosplay events, hindi mahiwaga.

Tumingin ako sa kanya. Sabi niya sakin, tutuparin niya ang aking kahilingan. Pero, iisa lang.

'Di na ako napaisip pa. Iisa lang ang hiniling ko:

Sana mawala lahat ng responsibilidad ko sa loob ng isang linggo.

Kinabukasan ay nagising ako. Magkaiba pa rin talaga ang imahinasyon sa realidad.

work, college, random

Previous post Next post
Up