(no subject)

Jun 12, 2009 01:23

Bigla ko lang naisip na hindi pala talaga ako bagay sa CA. Kung papaano ako nakarating sa conclusion na iyan, hindi ko alam. Haha. Bigla ko lang na-feel na mas bagay ako sa ibang field of study kaya mas mabuti na rin na ipag-patuloy ko na ang Law school. Kahit saang eskwelahan pa yan, basta makatapos ako ng Law, ayos lang. Kailangan ng direksyon ng buhay ko.

Gusto ko nang pumasok. Marami akong dahilan para pumasok. Hahaha. At hindi ko talaga kayang disiplinahin ang sarili ko kapag walang responsibilidad na nakapatong sa mga balikat ko. Yak. Nami-miss ko na rin ang mga tao. :\ Ang pangit ng puro Facebook at Plurk na lang. Weird pero mas prefer ko pa rin ang harapan na kwentuhan kesa sa virtual na usapan.

Natutuwa talaga ako sa Vampire Knight. Kanameeeeeee. Ang gwapo niya kahit na make-believe character lang siya. Kaugali niysa si Takumi sa Nana, na gusto ko rin. <3

Musika lamang ang nakakapagpakalma sa akin. Kapag hindi ako nakikinig sa musika at wala naman akong ginagawa kundi tumulala, hindi ako kalmado. Ngayon ko lang narealize 'to.

At ako'y nagd-drama dito kasi tinulugan na ako ng mga taong kausap ko. Tss. GUMISING NGA KAYOOOO. WALA NANG TAO SA PLURK OH. Ako lang ba talaga ang may kaya na di matulog hanggang 7 AM ng umaga??? O_O

Hehe. :D

rant, random

Previous post Next post
Up