May 03, 2006 23:28
you know full well na hindi ko na hinihintay ang sorry mo para patawarin kita
parehong pareho kayo ni God
may times na naiinis ako sa inyo
pero hindi ko kayang magtanim ng galit
pareho kayo ni God
nakakainis kayong magtest
masakit
pero its worth the growth
pareho kayo ni God
may times na di ko kayo nararamdaman
na parang nawawala kayo sa buhay ko
pero nandiyan pa rin
pareho kayo ni God
may times na ayoko kayong kausapin
o nagtatampo ako sa inyo
o wala lang talagang gustong sabihin
o walang masabi
pero ibang klase kayong mangulit
and lastly
pareho kayo ni God
di ako magsasawang mahalin kayo
basta ikaw, basta ikaw