memories of the retreat

Apr 15, 2006 01:30

Come and See



Cross at Chapel of MaryHill, Antipolo
"What are you looking for?..."

Maging Akin Muli
Arnel dC Aquino, S.J.

Manlamig man sa akin, puso mong maramdamin,
Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw,
Manginig man sa takot masindakin mong puso,
Mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot.

Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.
Pag-ibig kong ito isang pananabik sa puso Ko.
Sa 'yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo.
Manahimik at makinig ka't maging Akin muli.

Di mo rin akalain tinig mo'y hanap Ko rin.
Ang 'yong tuwa at sakit, Aking galak at pait.
Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob,
Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao.

Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.
Pag-ibig kong ito isang pananabik sa puso Ko.
Sa 'yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo.
Manahimik at makinig ka't maging Akin muli.



The Prodigal Son
"Welcome home"

Buksan
Fr. Mimo Perez

Pinid ang pintuan mistulang ding-ding
Walang sinuman ang maaaring tanggapin
Anong pumipigil? anong nag-babawal?
Sa sariling mundo bat di ka lumaya

Buksan ang iyong mga mata
Kahit may luha
Mamahalin pa rin kita
At tutulungang lumaya

Basong may tubig lagyan mong muli
Aapaw dahil wala ng silid
Pusong may galit di maaring umibig
Bulag sa wasto alipin ng isip
Previous post Next post
Up