Ang buhay nga naman ngayon

Apr 06, 2006 22:58

Kakaunting oras nalang at matatapos na ang aking paghihirap sa mundong ito sapagkat susunugin ko nalang ang CD para sa Instruc finals ko at susubukan gawin ang Puzzle na pinapagawa ni Mam Luna, hay masaya naman ako nitong mga nakaraang araw dahil nararamdaman ko na grupo namin nila Beam Mariano ang pinaka mataas sa PARTHIS dahil napaka ganda at makulay ang Interactive CD na ginawa ni beam at napaka mahal at ng Folder at pictures na isinama ko dito. Sa Mulbis naman namin ay may 3 Panelistang mga propesyonal sa larangan ng ekonomiks at entrepreneurship, isa sa kanila ay bading na grabe sa tindi maging panelista at babaeng mabait ngunit mataba at gwapong lalaki na kahawig ni Sir Mariano, nung una kinabahan ako sa kanila dahil ginisa nila ang karamihan sa amin lalu na yung bading grabe mang gisa si yani ang pinaka ginisa nung bading kasi na feel nila ang kaniya-kaniyang mga presensya nang pagiging bading ngunit pinuri naman siya sa presentation ng kanyang report sapagkat MACROMEDIA FLASH AYUN!!! Ako naman ang sumunod kay yani at hmmmm masama ang tingin ng Bading sa akin... Bueno sinimulan ko na ang reporting sa style ko na parang kaaway ko ang mundo ABA'Y nagustuhan ng panelista ang report ko sa aking Marketing Plan maganda at mahusay daw ang business proposal ko at pinuri ako ni bading ngunit tinignan ako ni Yani ng may Puot sa mukha ako'y natawa nalamang.

Digipho, ayun isa nanamang napaka mahal na pagpapaprint ang aking ginastos para lamang mag submit kay Sir Jun heheheeh TATAY JUN!!! Ayun kaya eto naman nasilip ko ang grading sheet...94 ako at...ako highest BWAHAHAHAHAHAHAHA!!! NATURAL MAGALING AKO HINDI SA PAGMAMAYABANG NOH I'm GAAAAAY!!!!!!!

At eto nag tytype ako ngayon para mapagaan ang loob ko dahil sa loob ng isang linggo tinatapos ko ang aking Instruc Project na ni isang beses ay hindi man lamang nag bigay ng kaunting kasayahan sakin puso haaaay...Burn ko nalang then Puzzle naman kung kayanin ko pa Achoo...Mukha na akong kambing dahil ang haba na ng bul-bol sa baba ko hay eh tinatamad ako mag ahit eh next term nalang...

NAIWAN KO MACROSSSSSSS KO SA SCHOOL by the way Thanks Molly for saving it...

Thanks Alex for the Marketing plan you emailed me it helped a lot...

Thanks Yani for being there for me sa mga jokes na tinetext mo para mapagaan ang isip ko sa mga panahong ang bigat BIGAT BIGAT ng mundo hehehehe...

Hay... I miss DF na pero nako sana MAY SUBSIDY AKO NEXT TERM hindi na ako mag tatrabaho sa DF ng walang kapalit next time nakU!!!!

sa mga nag punta sa Tiesto event wooohooo Fun noh!?

....AYYYYY CANIM3 Pa pala nakalimutan ko na sa monday na isusubmit yun Alex anu?

Ayun sige until next time nalang.
Previous post Next post
Up