Para sa aking mga kapamilya, kaibigan at fans

Sep 04, 2008 18:55

September na naman at syempre tulad ng ginagawa ko taon taon, nagsusulat ako ng isang blog post para sa aking mga mahal sa buhay. NAKS!

Itong post na ito ay ang aking “happy birthday wishlist” nyahaha! Sige na pagbigyan nyo na ako, minsan lang ako maging selfish. Hehehe!

O sya! Wala nang patumpik-tumpik pa! simulan na ito!

Wishlist numero uno: Moleskine

Bilang isang maarteng artist nararapat lang na magkaroon ako nito. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ito, ang moleskine ay isang mamahaling notebook. Nagkakahalaga ito ng Php 798 hanggang sa Php 1000+ depende sa laki at gamit. Bakit ito mahal? Sinasabi na ito daw ang klase ng notebook na ginamit nila Van Gogh at iba pang tanyag na artist noon. Maganda din ang pagkakagawa nito at maganda ang klase ng papel na ginamit.

Maliit man o malaki kahit ano ok sa akin. Pero ok din kung meron akong isang maliit at isang malaki. hehe

Wishlist numero dos: "Kumpas" album ng Philharmonic

Dahil mahilig ako sa strings at band music (ng konti) ito na marahil ang pinakaperfect album na may kombinasyon nitong dalawa.

Wishlist numero tres: Mac book

Dahil mababaw lang naman ang mga gusto ko sa buhay simple lang naman ang aking kahilingan at isa na rito ang Mac book na may leopard na OS, at may CS3 creative suite na nakainstall. Yun lang. ayoko naman ng Mac Air.

Wishlist numero kwatro: Kwarta

Cash. Kaya nga ako napupuyat ngayon para kumita sa sideline. Pero sinong may sabi na hindi ka din pwedeng kumita kapag birthday mo diba? Madami akong plano para sa buhay at isa na dun ang umikot sa mundo.

Wishlist numero singko: Wish para sa wishlist ko

Naway matupad lahat ng nakasulat sa “happy birthday wishlist” ko.

At bago ko tapusin ang aking wishlist, let me pray for you:

Lord bless my friends and family so they can bless other people and that includes ME (on my birthday). Thank you Lord! Amen!!!

random thoughts, birthdays

Previous post Next post
Up