Ang isang oras at kalahateng minutong byaheng papuntang opis

Aug 06, 2008 18:37

Para sa tricycle na kulang sa brake fluid. . .

Para sa para sa mamang sumingit sa pila ng FX. . .

Para sa manong at manang na nanunulak papasok sa MRT station. . .

Para sa ate guard na naghinto sa akin para iinspect “daw” ang aking bag at hindi ako pinapasok dahil puno na daw ang tao sa platform kaya nag-stop entry muna ng five minutes. . . na parang isang oras…

Para sa MRT card dispenser (er.. kung anuman tawag dun) na kumain sa aking card. . .

Para sa manong at manang uli na “buong lakas” nanulak papasok sa train ng MRT. . .

Para sa manong na nakapila sa gate three station ng jeep na walang patawad sa bagbuga ng usok galing sa kanyang sigarilyo . . .

Para sa mamang driver na muntik nang makalimutan ang sukli ko. . .

Ito lang ang nais kong sabihin . . .

NASA OPIS NA AKO!!! KALA NYO, KALA NYO… MAGWAWALA AKO???
HINDEEEEHHH!!!! MWAHAHAHHA!!!!!!!

. . . at para sa traffic enforcer na bumati sa akin ng “good morning!” at napangiti nya ako . . .

Good morning din po!

. . . para din sa aking deodorant. . . salamat for not letting me down.
Previous post Next post
Up