Title: Landian
Pairing: Sakamoto Shougo/Kamiqueen Ryun betch
Rating: HEHEHE
Genre: landian
Summary: Wherein Irie Saaya becomes a matchmaker and Ryun and Shougo are her targets.
A/N: Little trivia, wala pang one paragraph- kileg na ako. Also- this is for Sachi. Sorry kasi di ko nakumpleto yung 10 Times thing na Shougo/Ryun, ito na lang orz labyu.
Pagpasok ni Shougo sa classroom ng 2-D, nakiupo siya agad sa bakanteng upuan sa tabi ng girlfriend niyang si Kamiqueen Ryun. Kinuha niya ng dahan-dahan ang kamay ni Ryun na nakahawak sa isang side ng librong binabasa niya at tinapat ito sa pisngi niya. Hinintay niya muna tumingin si Ryun bago siya ngumiti.
"Good morning, babes." Greet ni Shougo, linagay ang noo niya sa noo ni Ryun.
"Good morning, Shougo." Bating pabalik ni Ryun, na parang walang emosyon, binalik ni Shougo ang ulo niya sa original nito na posisyon at dinala niya ang kamay ni Ryun mula sa pisngi niya papunta sa mga labi niya, kung saan hinalikan niya ito ng malambing at ngumiti ulit. "Bakit parang bad mood ka? Mas sakit ka? Gusto mo.. dalin kita sa clinic?" Sinara ni Ryun ang libro at nag-sigh.
"Kagabi kasi umabot ako ng 2 a.m. kaka-study sa test sa English ngayon tapos sasabihin ni Saaya na absent si Sir, ALAM MO YUN?! Nakakainis! Sayang effort ko! Talbog na talbog lang!"
Inakbayan ni Shougo si Ryun at hinatak papunta sa kanya. "Okay lang yan, babes. At least- mas matalino ka sa 'kin pagdating sa English, o diba?" Napangiti si Ryun ng onti at may lumabas na parang pigil na tawa mula sa bibig biya.
"Yeee~ Tatawa na yaaan~"
"Eh, Shougo ayokong English lang ako magaling compared sayo!"
"Huh? Hindi lang English naman, babes, diba? Last time nag-quiz tayo sa Science-"
"Hindi ganuuuun" Hinawakan ni Ryun ang kamay ni Shougo at gumawa ng kissy-face. "Shougoooo, alam mo na, ehhh" Napa-XD na mukha si Shougo at tumawa. "Babes, ano ka ba! 'Wag ngayon-" lumapit siya sa tenga ni Ryun "- 'wag dito!"
"Duwag ka talaga, baby!"
"Oy, 'di ako duwag, ah!" Sinundot ni Ryun ang taligiran ni Shougo at tumalon ito palayo. "Duwag ka, eh!" Sundot lang ng sundot si Ryun at tili ng tili si Shougo baliktad ata. Sinubukan ni Shougo baguhin ang subject. "Babes, free ka t-this afternoon? Gala tayo!"
"Gala? Saan?" Ayun, napatigil na at na-relieve si Shougo. "Kahit saan gusto mo, libre kita!"
"Bakit? May balak ka? Ano ginawa ko?"
"Umm.. wala naman akong balak.. at wala ka namang ginawa.."
"So, bakit?"
Tumingin si Shougo sa kanan niya at sinara ang mata niya dahil napangiti siya, humarap uli kay Ryun at lumapit ulit sa tenga niya tulad ng kanina, kaliwang kamay nakapatong sa desk ni Ryun para i-support ang sarili niya.
"Wala lang.. kailangan ko ba ng dahilan para paligayahin ka gamit ang pag-ibig ko?"
Nag-retreat si Shougo paupo sa silya na katabi ng desk ni Ryun at pinanood na mag-transform ang mukha ni Ryun from normal to... something unreadable habang naglo-loading ang sinabi ni Shougo sa utak niya.
"BADUY KA TALAGA!"
Sinundot siya ulit si Ryun ng paulit-ulit at tumili nanaman ng paulit-ulit si Shougo, hanggang naghahabulan na sila sa classroom dahil dito. At some point, tumalikod si Shougo kay Ryun at hinalikan ng mabilis si Ryun sa lips ng one second bago tumakbo papunta sa bag niya, sa pintuan at tumingin uli pabalik kay Ryun na sabi: "Mamaya, ha! Libre kita! Love you~" At nag-flying kiss siya kay Ryun bago pumunta sa next class niya, iniwan si Ryun na naghihintay magloading pa rin ang ginawa ni Shougo ngayon lang.
Nang nag-download complete na ang nanyari, umupo na lamang siya sa seat niya, kinuha ang bag niya, binurol ang mukha niya dito at nagtititili na kilig na kilig na parang ewan.
Napa-smirk na lang si Saaya mula sa sulok ng classroom. Mission Successful.