Tagalog Shotgun. Beng! Beng! Beng!

Nov 17, 2007 18:29



As usual, patalo nanaman si Santos. Sablay mhen.
Mali eh. Maling mali.
Rewind, rewind, rewind. Haha XD

* * *

Nakakapagod yung Guidon amazing race kanina. Haha. Pero steads lang naman, masaya. Na-LSS nga lang ako sa Beautiful Girls. Hahaha XD

* * *

Ang daming babasahin for IPE class. Sabi ni Sir Molmisa, ang buhay daw ng isang Pol Sci major ay umiikot sa pagbabasa at pagbabasa at pagbabasa. In chairness, may tama siya dun.

Yun nga lang, hindi lang naman yun ang subject ko eh. May Comparative Politics pa (na gabundok din ang reading), Philo, Theo, Histo (na mahaba din ang mga readings) at Japanese (na kelangan ko pang kabisaduhin yung 3 alphabet). Oo, sanay kung sanay akong magbasa pero minsan, di na rin kaya ng utak ko na maintindihan lahat ng binabasa ko. Hay. Wala na talaga akong social life next sem. Godobye Cantina Fridays.

* * *

Hindi ko alam kung magmiminor pa ako sa Histo. Hindi ko alam kung kakayanin ko yung 21 units. Magkakasabay kasi ang Philo, Theo,  Western Histo, Methodology of Histo,  PoS160 at 2 PoS elective. Iniisip ko pa lang nawiwindang na ako.

Gustong gusto ko talagang mag-Minor kasi love ko naman talaga ang Histo (at sana yun na lang ang kinuha kong kurso) kaso baka hindi ko kayanin yung dami ng babasahin at dami ng mga susulatin kong papel. I still have until Monday to decide.

* * *

Wala na eh. Ganun lang pala yun. Biglang nawawala.
Wala na eh. What to do?

Kung kelan wala na, dun ko pa nasabi. Ay caramba. Masasama na ako nito sa The Buzz. :))

* * *
Hindi na ako sasama dun sa Shindig thing. Napagod ako dun sa Amazing Race eh. Matutulog na lang ako. Pero sayang din yung free drinks.

Kitams. First week na first week pa lang wala na akong social life. Hahaha.

shotgun, junior year

Previous post Next post
Up