Sep 30, 2004 12:25
ang dilim dun sa lugar na yon. iisang spotlight ang nagbibigay ng liwanang. may maririnig na mga kotseng dumadaan, pinapatakbo, humihinto, bumubusina. sa bandang malapit, mga halakhak sa pagitan ng tunog ng mga boteng pinaghahalik. mga notang lumulutang sa kabila ng tila katahimikan. pero nung mga oras na yon, wala silang kasing layo. tanging hangin ang nagpaparamdam mula sa maliit na puwang ng bukas na bintana.
nagugutom na ko.
hirap palang umiyak sa may parking lot noh?