Litanya

Jan 27, 2007 18:14

blah.blah.blah.

Okay, may kausap ka nga pero sa totoo lang ay hindi mo naman talaga naiinitindihan yung mga sinasabi ng kaharap mo. Oo nga, may narinring ka pero hindi mo siya marinig talaga. Gets?

blah.blah.blah.

Bumubuka yung bibig niya pero nakatingin ka sa ilong niya na lumalaki ang butas habang humihinga. Tinitingnan mo kung may tutyang siya o hindi na man kaya yung tinga na nakasingit sa ngipin niya pero hindi mo pa rin siya maintindihan.

blah.blah.blah

Tuloy  tuloy lang naman siya sa pagsasalita at ikaw...uhh...oo...ehh...siguro...hindi eh...baka...at mga 30minutes pa kayong gano'n, hanggang matapos na siya sa litanya niya at ikaw ay nagmumuni-muni kung anong masarap meryendahin

blah.blah.blah.

fishball siguro...yung hot ang sawsawan.
Previous post Next post
Up