Jul 17, 2007 09:14
This weekend lumipat na ako sa shop officially. I felt a little lonely nung paalis na yung mga tao and my family at naiiwan ako magisa. Di bale masasanay din ako. The good thing is may landline na ako and internet. So after ko kausapin si Cam sa phone, I can call some of my friends para makipagkwentuhan.
Medyo badtrip yung electric fan kasi may ilaw na pula to signal na ON sya. Pag naaalimpungatan ako nagugulat ako =P. Tapos nung unang araw sabi ni dad itabi ko daw sa akin yung cordless phone. Bwiset! may automatic page pala yun pag matagal na wala sa cradle, nagising tuloy ako ng 3am! GRRRRRR!
-----------------------***************-------------------------
Nakilala na ng family ko BF ng kapatid kong babae (sayang wala ako!). Magaan naman loob nila sa guy, gustong gusto nga kalaro ng counter strike ng mga pinsan ko at ni Titoy. Ang banggit nga ni dad nung pinakilala sa kanya "Bat parang iba yung hitsura nung pinakilala mo sa akin nung isang linggo?" =P.
-----------------------***************-------------------------
Installed Final Fantasy XI online kagabi, sayang di ko naumpisahan syang laruin. Lagpas 6 Hours kasi ang updates! Uumpisahan ko sya mamaya! Sira na naman ang social life ko!
-----------------------***************-------------------------
Im slowly but surely starting to let go yung wishful thinking ko kay Div. Yehey! Wag lang sana mangayari yung magpaparamdam sya uli out of the blue.
Got to focus all my powers kay Cam. Got to think up something special and memorable. Here are things na naiisip ko (see, kay Cam sinisipag ako magisip!)
1. Buy her a framed butterfly as a gift, and laging ko ng dalhin sa bag ko para pagnagkita kami may maibigay ako sa kanya. Just to tell her i miss her. Fave nya kasi yung mga butterflies.
2. Buy her breakfast during the weekends. Tutal walking distance lang naman yun tirahan ko sa kanila. I want to suprise her! =P
3. Setup a plan for July 27, for some reason may pinadala sya sa akin na text message saying Pluto will be it's nearest on Earth on July 27 2007 12:30, That it will be like looking at 2 Moons during that night! Kailangan ko na bulabugin ang buong stargazing community dito sa QC to confirm if this is true, and to setup something special for that night!
4. Ill try send her flowers when she least expected it. Try to get her address, Bad trip! Kahit alam ko na yung bahay nila, hindi ko pa din alam address nya.
Hay, nakakapagod magisip! So far eto plang naiisip, bukod sa mga "Im the guy for you, one of these nights you'll realize Im the guy for you!" speeches ko sa kanya (Feeling Chad Michael Murray! Hahahahaha!). Kung ano man effort ko ngayon sa kanya, for some reason (Kahit hindi ko alam kung ano yun!) I really believe (TAKE NOTE: Hindi "Think") it's really worth it.