Jun 25, 2007 13:47
Last saturday naginuman kami kasi birthday ni dett, dun kami sa bahay ni andrew. Medyo maikli kasi tali nya kaya hindi sya pwede umalis ng bahay =P. Anim lang kami, yung iba kasi na ibang bansa o kaya may pamilya na. Pero masaya pa din kami kahit na umuulan. Mga kung ano anong kalokohan ng mga ginawa namin nung highschool. Mga ex namin. Mga batch na lower level sa amin pero super foxy na ngayon. Ang saya. It took my mind off what happened last friday. I was thinking of writing here an email dapat ngayon pero ang tanging phrase lang na pumapasok sa isip ko is "Kaya ko kinomfirm syo kung ikaw nga yun, because i was hoping na hindi ikaw yun!". Anyway, i just realized that by doing that lalo ko lang pinapamukha sa sarili ko sa ayaw ko bitawan yung mga wishful thinking ko sa kanya. So i decided na pabayaan na lang. She's not the girl for me right now. Maybe in the future, pero hindi ngayon. Sayang talaga.
Lately may nagpapamiskol sa akin madalas, 2 lang naman na relevant person sa akin ang may alam ng number ko eh. One is my recently ex-Gf and the other is Div, so malamng yung Ex ko yun. One of these days siguro tatwagan ko sya. Baka namimiss lang nya ako. Kaso i really don't need any relationship ngayon. Sad and lonely nga ang tema ko di ba? And i have no plans of changing that anytime soon.