Buhay may GF

Feb 23, 2007 16:51

So inaccept ko na na may GF na ako. Hmmm! Siguro mga after 2 months pwede ko na sya ipakilala sa mga friends ko. Kakahiya kasi ipakilala sya ng hindi pa ako sure magtatagal kami, lalo na ito ang mga madalas nya banggitin sa akin:

"Subukan mo lang may makita akong ibang cellnumber dyan sa sun mo, uupakan kita!"

"At bakit busy yang cellphone mo? ha! may mga tinatawagan kang iba no!" - Sa Sun pagtumatawag minsan number busy lumalabas kesa network busy

"Bakit di ka nagpaalam na hindi ka tatawag ngayon?"

"Ni hindi mo man lang pinasin buhok ko!"

Hay naku! Eto na naman tayo! pero in fairness namiss ko lahat ng ito. Sana tumagal naman tong gf ko na ito. Mukha naman syang matino eh!
Previous post Next post
Up