Weddings

Nov 20, 2006 04:50

Last weekend pumunta kami sa kasal ni malou, dati namin ka officemate. I hate chinese weddings talaga! Pangatlo ko na yun, as in. Ayaw ko yung food kasi seafood at gulay, half of the songs chinese and ung program chinese! Anyway since friend namin si malou we should be there to support her. I remember dati nung dyinojoke ko sya na wag sya magaasawa na ang apelyido Wang. Gusto nya ako patayin kasi yung husband nya ngayon hindi Wang ang apelyido pero Huang. Hahaha ganun din!

Naalala ko si 105. Dati kasi pinaguusapan namin ung ganun. Kung anong edad namin gusto ikasal saka kung ano yung mga gusto namin pagkinasal kami (Hindi yung kami ang ikakasal sa isa't isa ah. Individual wedding namin). Sya gusto nya 26 and gusto nya mga 2-3 years na nyang kasama yung pakakasalan nya. Hindi ko maalala kung garden or beach wedding gusto nya pero isa dun sa 2. Ako sabi ko mga 30 ako magpapakasal, and dapat ang kakanta sa kasal ko The Company!

For some reason ngayon weekend na to madalas ko sya naalala. Kakaasar! Baka one of these days ibuzz ko sya and kumustahin.
Previous post Next post
Up