I miss my little cousins

Dec 02, 2007 10:38


First of all, I want to greet my cousin, Ate Mopsy a happy kadappy super kaduper birthday. 20 ka na. Wow.

Sobrang miss ko na yung mga pinsan ko kasi ang tagal ko na rin silang hindi nakikita. Almost two years na rin. At alam kong matatagalan pa bago sila uli bumalik dito. Tapos pag balik nila, hindi na kami makakapaglaro tulad ng dati.

Miss ko na ang pagiging security guard. Sakin binigay yung responsibility na yun kasi ako yung pinakamatandang lalaki sa aming magpipinsan. Tapos kapag namamasyal kaming magpipinsan lagi kong binibilang kung kumpleto pa sila. Ang kukulit kasi nila kaya dapat parati akong nagbibilang. Actually nung pumunta kami sa Splash Island, nawala yung isang pinsan ko. Tapos di ko kaagad nasabi kasi akala ko kasama niya yung parents niya. So tinanong ko, tapos di pala nila siya kasama. Buti na lang di siya umalis dun sa pool kung saan kami nanggaling. Pero grabe talaga yung pag-iyak niya.

Masaya naman kami bago kami maghiwahiwalay kasi nagbakasyon kami nung kapatid ko tsaka nung isa ko pang pinsan sa bahay ng mga pinsan ko nung April 2006 before sila umalis papuntang States. Siyempre hindi kami natulog nung night before silang umalis. Tapos andun pa kami nung hinatid sila sa airport. Five years din bago sila makakauwi uli dito. Malalaki na sila sa 2011 (15,16,17,18) tapos ako 22. So hindi na talaga kami makakapaglaro. At pwede ring hindi sila agad bumalik sa 2011... Pero ganon talaga ang buhay, hindi pwedeng lagi mo silang kasama. May umaalis, pero meron din namang dumarating. At sana bumalik yung mga umalis...

kasi kung hindi... 
Hahanapin ko kayo. Kahit umabot pa sa dulo ng mundo. :D 
Previous post Next post
Up