Aug 05, 2007 23:19
Eto na naman. May reporting kami (commuter boys) sa Biolab bukas. Bilib talaga ako sa sipag nila. And as usual ako na naman yung least-functional. Buti na lang may data work so ako na lang dun. Anyway buti na lang groupmates ko sila. Grabe super proactive pero nakakaguilty rin. Sana sa susunod ako naman yung maging pinakamasipag. At sa totoo lang medyo na out of place ako. Ewan ko ba, di kasi ako makarelate sa pinag-uusapan nila sa sliding filament theory. Matagal ko ng kinalimutan yun. So si Kim yung bahala sa intro tapos ako yung metho and results tapos si Gerald yung discussion plus konting metho tapos si Daniel yung study questions at nagcompile sa ppt. Hay salamat natapos din kami. At sobrang demanding talaga ng Biolab. After ng reporting, may exam sa skeletal at muscular systems ng cat!
Anyway, nakakatuwa naman kasi pinagtritripan na naman nila si Daniel (di ako kasama). Sinabi ata ni Gerald na nag-exam na sa Physics. Tapos tinanong nya kung kamusta; sabi naman ni Kim mahirap. "Uhm, joke ba to?" sabi ni Daniel. Hahaha.
Tapos pagkakuha ko ng book 7, binasa ko agad yung last chapter. So nalaman ko agad yung ending. Ayoko kasi ng suspense. Actually yung last two sentences yung una kong binasa. Tapos the rest of the last chapter. Tapos, binasa ko yung chapter before that (pabalik ng pabalik). Di ko pa nga nabasa yung simula eh. Grabe buong weekend Harry Potter lang ako. Nung nalaman kong walang physics, nagbasa ulit ako. So yun Harry Potter fever is not over for me.