May 29, 2007 13:45
Ngayon tapos na yung play! At ang saya ng naging experience ko. At masaya ako dahil naging maganda naman ang responses ng mga tao. Natuwa sa akin yung mga friends ko. At proud ang mama ko sa akin! Tapos, umabot sa 100,000 ang earnings namin. Yehey, at 50,000 dun ang mapupunta sa pahinungod.
Ang saya talaga ng naging experience ko sa PI. It was an experience I will always treasure. Nagsuot ako ng damit pambabae, wig, at stockings. Dapat daw matutunan ko kung pano kumilos ang babae pero hindi ko talaga magawa dahil ang tigas ng katawan ko. So ginawa ko na lang satirical yung paglalakad ko. Madami akong adlibs doon na wala sa script. Buti na lang bumenta sa mga tao yun! Doon ko na-realize na ang adlibs ang bubuhay sa isang comedy play.
Ang sarap ng feeling kasi nagawa ko yung mga bagay na akala ko hindi ko magagawa. Kailangan magpaikot ng rifle at sa una di ko talaga siya magawa. Ilang beses kong nabagsak yung rifles bago ko siya tuluyang napaikot. Tapos kailangan ding kumanta at sumayaw. Pareho kung di kayang gawin yun lalo na sa harap ng maraming tao!!! Thanks PI classmates for believing in me! Haha. Sabi niyo magaling ako pero sa totoo lang mas magaling kayo. I will miss you guys. See you soon.
Problem-free at last! Problem-free??? Hindi pa kaya. Hindi ko pa ayos yung buddy stuff ko! Lagot ako sa magiging future buddy ko... At may isa pa akong problem, pero minor lang naman. Wala pa akong maisip gawin ngayong summer. Mag-aral sa NMAT? Yak. I need a break. Siguro I'll just make myself busy listening to songs, and trying to analyze the messages these songs want to impart. Gusto kong bumili ng Christian Bautista album. I'll revive the Christian Bautista fanatic in me. Haha. So gay, so Esteban. =)