Golden Post

Dec 03, 2008 00:53



Wow grabe 50th post ko na to at ang hilig kong gumamit ng "wow" o "grabe" sa simula ng entry. And ang hilig ko ring magstart gamit ang "and" sa mga succeeding sentences. Tapos ang hilig ko ring gumamit ng "tapos". And madalas rin akong nagkakamali sa "rin" at "din". Gaya ng previous sentence! :D Tapos mahilig din akong gumamit ng exclamation marks, yung smiley na ginamit ko kanina, at haha. Haha.

Ano ba yan ang sabaw naman ng golden post ko. Haha. Binalikan ko kasi kanina yung previous entries at napansin ko talaga ang pagkahilig ko sa ilang words at expressions. Hmmm, ano bang masasabi ko? Napansin ko na, ang sabaw talaga ng mga entries ko. Tama nga si Dinj, dapat sabaw2damax na lang yung username ng blog ko. Pero nabanggit ko din sa isang entry na nahanapan ko ng meaning bakit weirdness2damax pero sa totoo lang, nauna kong piliin yung weirdness2damax as username bago yung meaning. And ito ang meaning:

We I RDNess to the maximum power! We I RDNess to the maximum power!

More power to my blog haha! At more sabaw posts. Siyempre ayokong mag-emo sa blog na to from now on kaya sabaw na lang. Masaya naman pag sabaw power eh. Haha! Yeah :D

Pero naalala ko talaga yung previous entries, ang sabaw ng pagkakasulat. May "and" sa simula ng Filipino sentence, "tapos" ng "tapos" na hindi matapos-tapos, maling grammar kahit Filipino na nga, mga less-than-five-word sentences, may tatlong entries na magkakasaunod, may dalawang entries sa isang araw  at tsaka hindi rin ako marunong magreply sa mga comments. Hay if only I can turn back time... edi ok na sana. Haha.
Previous post Next post
Up