plan this vacation

Mar 22, 2008 19:32

So far ang naiisip ko pa lang na gawin ngayong summer break ay magwork-out ng magwork-out. Nakakatuwa kasi sa My Big Love, nakita ko kung pano pumayat si Sam Milby from 300 pounds to 150 in three years. And sana by two months from nothing-but-bones to 130 or 140, kung makikisama lang yung katawan ko.

Kasi naman napagkamalan na naman for the 99th time na mas matanda sa kin yung 16 year old sister ko kahit hindi naman sya mukhang matanda. Tapos magkakaron pa kami ng mga lateral classmates kaya kelangan talaga na di na ko magmukhang totoy. Kaya talaga ngayong summer ibubuhos ko talaga yung energy ko sa gym. And ok lang namang mag-gym kahit nakakapagod at nakakaubos ng energy kasi pagtapos naman ng workout, pwede ng kumain ng kumain, as in lamon to the max, at yun ang favorite part ko.

At susundin ko yung limang tips ni Toni Gonzaga for Sam dun sa movie, actually mahirap yung 2nd and 3rd rules, 'start today' tsaka 'no shortcuts'. And siguro gaganahan talaga ako kung si Toni Gonzaga yung personal trainer ko or si Kristine Hermosa na lang. Grabe ang ganda ni Kristine and she reminds me very much of my classmate Serine. Sabi nga ni Toni kay Sam nun sa isang scene...

Toni: Eh anu namang panama ko dun (referring to Kristine) eh parang dyosang bumaba yun sa langit.
Very true. Ok tama na. So sa summer makikita nyo ko sa gym, five times a week. Pero for now, kelangan ko munang mag-aral para sa Bio 30 finals! So aral muna, ok aral muna.
Previous post Next post
Up