everyone i'm close to knows about my undying fascination for the MOON. i can recall a few times when i almost trip on my own feet (high heels do not help), while i'm crossing the street or not, because i get distracted by seeing a full or crescent moon above me. even better when it has a yellow or orange tinge to it. sometimes i stop for a few
(
Read more... )
sample:
ibulong mo sa buwan ang bawat pighating naibigay ko sa yo. na sa bawat salitang naghatid ng luha sa iyong mga mata ay napakahirap bawiin ng lahat ng kapatawarang hihingin.
ibulong mo sa buwan ang lahat ng hiling mo. para hindi mapukaw ang mga mumunting anghel na panandaliang tumatakas sa walang kapagurang paggabay. sasabihin ng buwan lahat, paggising nila. upang ihatid sa Kanya, ang mga katuparan ng mga yaon.
ibulong mo sa buwan ang lahat ng lihim natin. nang maaaninag natin ang bawat tamis at pait ng ating pagsasama. iingatan nya ang lahat ng alaalang ginawa na nating ginto, at tubig ng ating kaluluwa.
ibulong mo sa buwan ang lahat ng pangako. at sa tuwing masisilayan natin ang kanyang pisngi at liwanag, ikaw lang at ako ang tangi nyang ipapaalala, pati ang mga salitang isinumpa natin sa kanya.
ibulong mo sa buwan kung gaano mo ako kamahal. dahil mas kakayanin nya ang init ng haring araw di gaya ng puso ko. at pag darampi ito sa mundo at sa akin, tanging ang ilaw nya ang gagabay sa nabubulag kong kaisipan.
mawala man sya sa pagsikat ng araw, di man siya makita sa likod ng mga ulap, naririyan lamang sya, dala ang lahat ng liwanag ng alaala mo, at init ng pagmamahal ko.
dahil sa lahat ng ibinulong ko sa buwan, ang lahat ng pagmamahal, pangako, lihim, hiling, at pighati... ay naibulong ko na sa yo..
ibulong mo sa buwan.
05.16.2003
Reply
Reply
Leave a comment