Dec 12, 2006 23:27
The worst is over. Now my body longs for sleep. Sleep.
Nagsimula kaming kumilos at magtrabaho para sa POSPROD kagabi, eksaktong 9PM. Natapos ang mga pang-gabing kuha ng bandang 2:30 ng madaling araw. Gising pa ako at si TQ at walang balak matulog - kami ay naglakad patungong Harbor Square mula sa apartment, umaasang bukas ang Starbucks upang doon ako makagawa ng ANIMATE hanggang umaga. Kami'y nabigo, sarado pala. Sumakay kami ng Taxi papuntang McDonald's sa Qurino. Bukas ito, bente-kwatro oras.
Breakfast na ang mabibili kahit mag aalas-tres pa lang ng madaling araw. Bumili kami ng pagkain at kape. Nagsimula akong gumawa ng mga dapat iguhit para sa ANIMATE.
Natapos ako ng bandang 7AM. Di kami umalis sa upuan, maliban na lamang kapag mag-rerefill ng kape. Di ko alam, naka apat o lima yata ako.
Matapos nyan, naglakad kami pabalik ng LaSalle. Nanlalambot na ako. Bumalik sa apartment, kumain muli ng pork and beans. Ginising sila Tonton at Wincess. Binigay muna namin ni TQ ang aming trabaho sa ANIMTE. Tapos ay nag-almusal/tanghalian kami nina Stan, Wincess at Tonton sa McDo.
Sa mga panahong iyon, mabaho na ako at nalalambot. Natapos kami ng tanghali sa shoot. Saludo ako sa aming production team - Ton, TQ, ako, Irene. Wala na akong masasabi. Natatangi din ang galing ng aming talent na si Wincess. Ako'y saludo. Muli, salamat.
Matapos ang shoot, tinext ako ni Rina at tinanong kung pwede daw ako magtalent sa kanila, pumayag ako. Ang nalalabing bahagi ng hapon ng Martes ay inilaan ko sa pagtatalent sa grupo nila para din sa POSPROD. Madilim na din ng ako'y nakauwi sa bahay.
Gusto ko na matulog. Matulog.
Kayo heto na.