Oct 27, 2007 12:22
Nakakalungkot yung story.
Namatay ang asawa niya dahil sa isang aksidente at naiwan siya na may isang anak na babae. Nakatira sila sa squatters area wala silang makain. Nakakakuha sila ng makakain mula sa mga mababait na kapitbahay. Wala siyang pera. wala silang pangpalibing, ni pang burol at panggawa ng kabaong, Wala. Lahat tulong ng kapitbahay. nalungkot talaga ako habang nanunuod.
Nagpagawa sila ng kabaong sa isang karpintero na kapitbahay, sa mga naipon ng mga kakilala, ang kabaong gawa sa plywood, as in pa rectangle yun lang. Papunta sa punerarya dala dala nila ang isang lumang kumot at unan para ilalagay sa loob ng kabaong. Nakisakay sila sa sasakyan ng Abs kasi wala naman siyang pera para magrenta pa ng sasakyan.
BANGKAY: Dahil walang pambayad sa punerarya, hindi na na embalsamo kahit lagyan man lang ng Formalin. kaya nangangamoy na rin ito. At nung ipinasok sa loob ng kabaong, kung ano ang damit niya nung namatay siya, hindi na pinalitan.
Burol:Wala na, wala nga daw silang pang kain mag ina, magpapaburol pa sila.
LIBING: Ito talaga naluha ako. Humingi sila ng tulong sa City hall, at ang binagay sa kanila yung sa apartment style. Tapos, binabaha yung lugar at ang pwesto nila sa PINAKA BABA nung apartment style na yun. IPINASOK ANG KABAONG SA LOOB NG ISANG BINABAHANG LALAGYAN. I imagined nung pagkapasok sa kanya, LUMULUTANG ang katawan ng patay sa loob ng kanyang kabaong.
Nakakalungkot Mamatay lalo na kung wala kang pera.Sobrang walang respeto na sa patay yung nangyari but then wala silang magagawa kasi wala silang pera.