The closer I'm bound in love to you, the closer I am to free...

Jul 28, 2006 22:11



What a tiring week.

Just got home from a sudden family trip to... Greenhills!!  Everyone decided to get themselves new phones.  I, on the other hand, with the help of Chancellor Sergio S. Cao's generosity and understanding, satisfied my urge to spend only on phone accessories and tees.

Pinaninindigan ko talaga yung stat ko sa Y!M na "Chancellor Sergio S. Cao, you made my day!!"  Pasintabi lang po sa mga nagagalit kay Chancellor Cao, pero mula nung narinig niya ang panalangin ko, naging masaya ang mga nakaraang araw para sa akin.

I had a tiring Wednesday, mainly because of a suprise bash for Hazel's 18th birthday [na tunay namang napakakontrobersyal] and having to play three sets of ten frames each for Tenpin Bowling's practical exam.  But I can say that I have found my sport!! Good job!! :))

Thursday was never different.  Felt sleepy during Bio.  Was perplexed during Philo.  Math17...  And ES1 was, as usual, mentally draining.  Good thing masaya kasama magdrawing si Mio, kasi ang kulit niya.  Nag-aasaran lang kami for three hours straight habang nagiisip ng magandang right-side view para sa drafting :))

As always, English talaga ang pinakapanalong subject sa buong schedule ko this sem.  Dalawang beses akong ginulat ni Ren kasi wala siyang magawa, habang hetong si Rye ay pinagtatawanan ako habang nagccram ako ng Math17 homework.  Mga mokong talaga :))

For English, we started our first workshop for essay-writing and evaluation.  We were asked to write an essay on our most unforgettable experience, tapos hindi si Prof ang gagawa ng preliminary assessment, kung hindi classmates mo.  Well, kasama ko sina Karl, Audrey and Jolo (no, not my Pisay batchmate), and we all had copies of each other's works.  Pagkatapos basahin ang lahat ng essays, hindi namin maiwasang maging curious, most especially about our high school lives, kasi halos lahat ng topics namin ay within our high school lives.  Mas masaya kasi sumawsaw kami sa katabing group nina Nadine, Jace at Rye, so seven na kaming lahat na nagdadaldalan.  Nalaman nilang Pisay grad ako, which made them react in different ways:  Wow....  Shucks, taga *insert name of city* Science High lang ako eh, talino mo dude!... Oh-kay, ibang level ka pala... Pisay ka?!?!...  Pero napakasaya nilang kakwentuhan.  Game na game rin silang magkwento tungkol sa mga buhay nila nung high school.  Inaasar pa namin si Rye at si Jace kasi graduates sila ng AHS at LSGH, respectively -- blue versus green ba.  At medyo naingayan si Ma'am Prof sa amin.  Pero ok lang :)

Salamat talaga kay Chancellor, at kung hindi, hindi magiging sayang ang punta ko sa Greenhills.  Tagal ko na rin kasing hindi nakakapamili nang ganun eh -- yung wala kang aalalahanin :)

Just wanted to share :)

Out.

P.S.  Hoy fool, miss na kita, hindi mo lang alam alam mo naman, na kahit magkasama tayo, namimiss parin kita na parang hindi kita nakasama nang matagal...

acads, real life, lovelife

Previous post Next post
Up