I'd walk a thousand miles.. If I can just see you tonight..

Jul 21, 2006 23:10



What a tiring day.  Basically, what I did was building-hopping:
  1. Palma Hall (AS) - Kas1
  2. College of Arts and Letters (CAL) - English 1
  3. National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED) - lunch with Kat and Vinni
  4. National Institute of Geological Sciences (NIGS) - tambay with Kat and Vinni
  5. Math Building - Math with Vinni (nagcut ng Philo11)
  6. Melchor Hall (College of Engineering) - ES1 checked plates and notes for Long Test with Mio
  7. Faculty Center (of Social Sciences and Philosophy, and Arts and Letters professors) - paxerox ng Philo1 notes
  8. Benton Hall (Department of Psychology) - kumuha ng latest edition ng Philippine Collegian
Tapos sumama pa ko sa parents ko na mag-SM kasi kelangan kong magreplenish ng mga gamit for ES1.  Kasi 1st Long Test ko na bukas. 3-6 pm. *faints

Sobrang masakit na ang aking mga paa.  Kung ginawa niyo siguro yung ginawa kong building-hopping kanina, para na siguro kayong umikot sa Pisay oval nang hindi mabilang na beses.  Kahit ba may rest periods parin yan, nakakapagod parin.  Iyan ang isang typical day ng isang UP student.  I bet malakas na ang mga binti ng mga taga-UP :))

Masaya ako ngayon kasi nakita ko ang marami sa aking mga newfoundfriends.  Today, hindi ako masyadong nasaturate sa company ng mga Pisay batchmates, kasi kahit papaano, may nakakabatian naman akong non-Pisay, whether sa class, or naglalakad sa labas, or nakakasabay magpaxerox, or habang nakikipagdaldalan sa classroom...  Masaya :)

Funny yung Kas1.  Pinahiram ko sa more than half of the class yung research ko (salamat Judith sa pagprint!!) nang hindi nalalaman ni Prof.  Para may points kami sa writing activity for Kas1.  Nabaitan ako sa sarili ko :))

Inantok ako nung English1.  Kaya hindi ko masyadong dinaldal ang aking English1 buddies.  Sila nalang yung nagbonding.  Ang bangag ni Ren kanina :)) Tapos pinag-usapan namin sa class yung article na pinabasa sa amin tungkol sa isang Econ major na nag-SM saleslady.  A truly eye-opening essay.  Title palang eh -- I was Henry Sy's Slave.  Pero sinamahan ko parin si Rye sa Socio 10 niya, kaya nakapagkwentuhan pa kami.  Medyo mabagal rin kasi siyang maglakad eh :))

Hindi tinanggap ng Math17 prof ko yung mas maikling solution ko sa problem niya.  Eh kami na ni Vinni yung gumawa nun eh (nagcut siya ng Philo11 niya at nagsit-in sa class namin), pero ayaw niya.  We should stick to the lesson daw.   Ok lang naman.  Pero 'pag hindi niya yun tinanggap sa Long Exam, magrereklamo ako... :P

Kasama ko si Mio sa Eng'g at inayos ang aming ES1 requirements for Long Test.  Nagpaxerox, kumuha ng checked plates, kwentuhan...  Pero umuwi na rin siya after, dahil may tatapusin siyang repeat plate.

After that... Ikaw.  Oo namiss kita.  Namiss kita nang sobra.  Kaya hindi ako makauwi nang maaga eh.  Ginawa ko ang lahat para lang makasama ka buong maghapon :P

Nakausap ko si Val sa phone nang halos isang oras.  Nakakamiss siya, kahit ilang bahay lang ang layo niya sakin :)

Oh well.  Need to rest for the big exam tomorrow.

Sige.  God bless.

Out.

acads, lovelife, updiliman

Previous post Next post
Up