Jul 01, 2006 12:29
Sa sobrang pagod ko, hindi na ko nakapag-update for the past few days.
Wednesday
Masaya yung DEEE Orientation. At least they tried their best to remove all our anxieties about being an EEE student, and make us "feel at home" sa Department. Kahit medyo natakot ako dun sa curriculum ng ECE, CoE at EE, bingyan naman nila kami ng inspiring words para hindi kami matakot. Naamaze rin ako sakanila when they kept on reiterating that we should learn to pray. Tingin ko kasi hindi lahat ng bagay sa EEE, nadadaan sa sipag, tiyaga at inner talent. :))
Kudos to Kuya Kiko for the amazing Flash animation presentation thingys!! Nakakaaliw :)
Binigyan kami ng handbook, kung saan nakalagay ang lahat ng dapat naming malaman at asahan sa 5 [or more] years namin sa EEE -- DEEE terms, retention rules na mas malala pa sa retention rules ng Eng'g [pero wala paring tatalo sa Oble :))], course curriculum na ang mga title ng subjects ay hindi mo maiintindihan [well, except for a few words like "lab", "electronics", "programming"...] at ang numbers ay umaabot ng 198 [well, EEE198 is the thesis subject :))]. Funny thing I got this planner from the Department. At the back page of the back cover were a LOT of formulas -- from algebra to trig to calculus to eletronics. Hehehehe.
Then to Melchor Hall for the block pic taking and lunch. What we had was more like a barkada pic, kasi mga 15 lang siguro kami :))
After the block pic taking, PE na. This was the start of the serious bowling I am going to have for the next fourteen weeks. Last meeting kasi, pina-enjoy lang sa amin yung game -- naglaro lang kami na parang mga bata. Pero starting last Wed, nagstart na kami sa skill drills. Tinuro na samin yung tamang stance and movements in rolling the ball. Take note: roll, hindi throw. Pinagawa na samin yung may sliding movement, pretty much the same as the movements of professional bowlers. Ngayong ko lang narealize that even bowling can make your joints and muscles ache for the rest of the night.
That night, with my joints and muscles aching, I had to do homeworks for ALL my subjects on Thursday. Bio1 quiz, Philo1 reading, Math17 problems, at ang pinakamasaklap sa lahat, ES1 plate!
Thursday
OK naman yung quiz sa Bio1. Ang coverage ay mula cells hanggang protein synthesis. Parang Bio1 - Bio3 ng Pisay. Ang sarcastic tuloy nung 1st sentence ng paragraph na 'to :))
Alam nga talaga ng Philo1 teacher ko yung nangyari sa'tin Pisay. Ginamit niyang example yun sa quote ni Socrates na The unexamined life is not worth living at Know thyself. Kasi raw, not all intelligent people are wise -- dapat malaman natin kung rational ba ang mga pinaggagagawa natin, para majustify naman yung inelligence natin. Parang ganun yung ibig niyang iparating. Hindi ko na siya maintindihan kasi ang uncomfortable ng feeling na nakaupo pa siya sa teacher's table sa harapan namin nina Bea, Don at Aaron...
Math17... ... ... ...
Nauna kami sa ES1 prof ko by a matter of 10 minutes!! Nag-jeep pa kami nun ah. On time kami dumating sa 5th floor ng Eng'g, tapos late pa siya dumating. Drawing ice cream cones and Pokemon are fun! :)
Friday
Kas1 sa lagoon. Saya, sobra. Kilala na ko sa class ko dahil sa kadongdongan ko sa charades :)) More friends!! :)
As usual, marami paring natutunan sa Eng1. Pero muntik na ko makatulog. Buti nalang tinawag ako ng prof at tinanong niya ko tungkol sa pros and cons ng cloning in a scientific prespective.
Math17... ... ... ...
Nakapasok na ko sa Main Lib ng UP. MALAKI. Pero kahit hindi aircon, maraming libro talaga... Saka pwede matulog kung gusto mo. Pero siyempre, sa CS or Eng'g Lib nalang, para aircon :))
HYPOTHERMIA!!!! Galing nina Ron at Duane [1st place sa dance contest]!! Tapos nag worm si Jolo! Takte, ang galing [block nila yung 2nd]!!! Pwede nang ramp model sina Kel at Migs!! Giniling Festival!!!!! Itchyworms!!!!! SAYA!!!!!! Tapos ang daming Pisay :)) Mga 12:30am ko nakarating sa bahay :))
Next week, UP Freshmen concert sa Bahay ng Alumni naman... Tapos Long Exam sa Math17 the morning after?!?!
***
Ano bang problema mo?!
Bakit hindi mo sinasabi sa'kin nang harap-harapan?!
Nahihirapan na ko eh.
Ewan ko sa'yo.
acads,
lovelife,
updiliman