pagmumuni- muni ng guni-guni

Oct 25, 2012 02:47


dumadalas na naman ang mga gabing pagkahaba- haba. nakatingin lang sa malayo at nakikipaglaro ng titigan sa kisame. 
sa lamig ng hangin pinagpapawisan pa rin ang mga palad at talampakan. ang tibok ng puso masyadong mabilis, kinakabahan? bakit? anong problema?

lagi na lang may gumugulo sa damdamin, ang daming iniisip, pinoproblema. kung possible ngang malunod at maubusan ng hangin sa problema malamang, araw araw, milyon milyong tao ang pinaglalamayan.

hindi naman ako nakikipaglaban sa cancer, hindi ako rapist, magnanakaw o mamamatay taoi, pero bakit ako ginugulo ng isip ko. siguro nasa adventure time mode nanaman ang utak ko. kung tatanugin ako kung ano ang strengths at weakness ko, siguro ang isasagot ko ay yung imagination ko.

minsan nga naloloko ko na ang sarili ko kugn ano ang tunay at gawa lang ng guni- guni ko. minsan kasi yun na lang ang paraan para hindi ko maisip yung mas mga makapagbagbag damdamin na bagay at sitwasyon. iisipin na lang na parang wala lang. bukas makalawa, o kaya pag gising ko wala na ang problema. sa kakaganito ko minsan hindi ko namamalayang umaga na, kugn natulog ba ako o gising ako pero nakapikit ako.

nakakatawa na nga lang, minsan naiisip ko nasisiraan na ako ng bait. iniisip ko may mga dadating para kunin ako at ikulong sa isang institusyon. maraming beses ko na rin naisip na hindi nakakabuti sa akin yung kakaisip ng mga ganun, naisip ko rin na dapat sa mga mas makabuluhang bagay ko ginugugol ang oras ko. lagi na lang sa mga walang kaKwenta- kwnetang tao. 
inaamin ko minsan gusto ko ng alternate ego. na pag lumabas ako ng bahay namin, magaling na akong mag english, confident at matalino na lahat ng sabihin ko nakakatawa at may sense. pero hindi naman mangyayari yun.

gusto ko ng ibang personality, yung tahimik, malumanay, walang mali, kumbaga, dalagang pilipina, pero pag naiisip ko na magiging ganun ako, parang naduduwal ako, hindi ko matanggap. siguro nga hindi tayo maaring maging ibang tao, magkaroon ng second life. pwede pero mahirap, bukod sa mahirap hindi ba parang niloloko mo din yung sarili mo. sabi nga nila, you can't be in both places aT once, pano pa kayo yung dalawa yung pagkatao mo? maliban na lang kung balak mong isulat sa Maalala Mo Kaya yung buhay mo at gawing teleserye. malamang, hitik sa sampalan at betrayal ng plot ng buhay mo kung sakali.

kaya naman matapos kong madeduce ang conclusion na ganun, minabuti kong sa isip ko na lang ang imagination yung alternate ego ko.pero hanggang ngayon hindi ko parin napeperpekto yung character niya.

hindi naman siya nalalayo sa tunay na ako, kumbaga, updated and better version lang siya. maganda, sexy at matalino din siya. haha! hindi, sa imagination ko, pareho pa rin kami ng hitsura, may payat lang ng konti, maputi ang ngipin, maayos palagi ang buhok, magaling manamit *shempre, hindi naman siya actually gumagastos ng pera para magpaganda* at higit sa lahat, lahat ng gusto niyang mangyari natutupad. natanggap ko din na hindi all the time, reality is better than make-believe. bakit? sige nga, try mo manabunot sa tunay na buhya, at least dun hindi ako nagagalusan. hindi ako umiiyak at higit sa lahat walang epal at kontrabidang laging umaaligid.lahat pwede kong puntahan, lahat pwede kong maging kaibigan, lahat pwede kong manipulahin sa paraang gusto ko, lahat ng gusto kong marinig, yun lang. walang harsh reality. o diba ang saya.

masaya, perfect nakakaiyak kasi hindi siya totoo. well, at least kahit papano naranasan ko yun, kahit sa imagination ko lang. 
pero hindi naman laging ganun iniimagine ko, minsan nga yung worst case scenario agad, parA prepared lang ako lung mangyari man  sa tunay na buahy. hindi naman mahirap tanggapin yun once na nasanay ka na sa utak mo. nasa mind set lang yan. prapare for the worst, if i doesn't come edi good at least handa ka di ba?

hindi man siguro tama na lagi akong nega at kung anu-ano iniisip, eh yun yung coping machanism ko e, mas napapadali sa akin mga bagay bagay pag ganun. ikaw anong coping mechanism mo? 

blah, awake, obsession, writer's block, vielisevil, new, think thonk

Previous post Next post
Up