Feb 03, 2007 22:45
Sabi na nga ba. Ang sabado ko sa opisina ay nakakaaliw nanaman. Tapos na yung bago kong template/layout para sa office kaya ayun, petiks nanaman. Soundtrip, kain, tawanan, kain ulit (akala ko pa naman ay papayat na ako pag nagtratrabaho na ako).
Malapit na yung uwian kanina nung nakita ko yung officemate ko na kumakain ng ice cream, may keso. Sabi ko "Popsicle lang paborito ko, mura na at hindi pa nasisira tyan ko.". Sinundan ko pa ng "Pano kasi katulad nyan, may keso diba? Madaling masira tiyan ko dyan." Hehe syempre nandiri sya. Tapos biglang nalipat yung usapan tungkol sa isang mayabang na tao sa office namin.
Grabe naman yung taong yun. Sobrang yabang! Sana nga nababasa nya to, para naman dito nalang siya mapahiya imbes na barahin ko sya sa office na "Pare ang PRESKO tumabi sayo! Mahangin!" Sino ba namang tao yung mangiistorbo ng kaopisina nya para lang magtanong kung saan nya puwedeng iparada yung sasakyan nya. Eh obyus naman na sobrang luwag dun sa parking lot sa tapat ng building namin. Swabe pa manligaw. Tsk tsk bhelat buti nga ayaw nya sayo noh?
Sana hindi nya nalang pinansin kung mga koleksyon kong tipaklong. Pero cge 'di nalang ako makikipagyabangan sa kanya sa office. Alam ko naman na wala akong binatbat sa "Hello Kitty" collection nya. :P
Hmmm bakit kaya nung tae na yung pinagusapan namin kanina eh biglang nalipat sa kanya yung usapan? o_O
Tae din nga pala ang TAX!