Jan 09, 2007 06:30
Happy new year! Late na ba para bumati? Busy kasi... Haaaaay... Hindi ko alam kung pano ako magpopost ng matino pero susubukan ko nalang hehehe!
First time kong ice-celebrate y ung christmas ko na wala si ate. Syempre andun na sya sa bago nyang pamilya. Pero dumalaw naman sya sa bahay bago mag 12 kaya natuwa naman ako kahit paano. Nalulungkot ako, soooobra... Para kasing hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya sa tungkol sa mga kung ano-anong bagay dati. I'm such a stupid brother ne~? Isang araw after nung kasal nya, habang nagbibihis ako bago pumasok, parang bigla nalang pumasok lahat sa utak ko yung pagsisisi at lungkot, syempre napaluha ako habang nakatingin ako sa mga natitirang gamit ni ate na hindi nya pa nakukuha. Nakita siguro ni mama na umiiyak ako kaya sinabi nya nung minsang dumalaw si ate sa amin na "Seph andito si ate oh... Miss mo na sya diba? *na may kasamang parang nakakapanlokong ngiti* ". Hehehe nakakahiya tuloy. Hindi man lang din ako nakapagpasalamat sa tulong na ginawa nya sa amin nina mama nung nasa U.S. pa si daddy... Haaaaaay... Namimiss ko na sya, obyus din naman sa kanya na sobrang saya nya pag nakikita nya ulit kami. Lalo na nung Sunday (7)! Miss na nya siguro kaagad yung mga luto ko at ni mama. :P
Ambait ni ate. Talagang hinintay nya muna na makahanap ako ng magandang trabaho bago nya tinuloy yung plano nya. Idol ko din si Dong, kasi dati pa eh gusto ko may "kuya" din ako. Ang galing pa mag-assemble at mag pintura ng remote-controlled cars at model kits (sa kanya ako nahawa ng kaadikan sa model kit), sya rin taga set-up ng oto ko dati sa gran turismo 4.
I miss you ate... huhuhu...
Currently Listening: My Chemical Romance - Famous Last Words