Jun 06, 2006 00:28
Yeeeeeeeeeey~ Graduate na ko~ Sa wakas makakapagtrabaho na rin para matulungan ko sina mama at mabili yung mga gusto ko. Sobrang saya kasi
andun si Yoj nung nagcelebrate kami sa bahay nung 26. Buti naman pinayagan siya ng mommy dragon nya na pumunta sa amin.
Nakilala na rin siya ng mga relatives ko. Masaya din kasi kahit first time pa lang nilang makilala si Yoj e naging warm ang pagtanggap nila sa kanya. Sabi nila kyut daw siya~ Hehe.
Di ko inexpect na magkaka-award ako! Best Programmer~ Ya-ha! Inuunahan pa nga ako ni Mommy the mother na umakyat sa stage para sa award ko. Syempre nung pagdating ko sa bahay, tuwang-tuwa sila nung nakita yung medal ko. ^_^ Pagdating ko, andun na kaagad sina Dyey, Mon, Macky at Cathy. Si Yoj may dalang regalo... secret kung anu yun!Nyehehe!
Usapan namin ng mommy ni Yoj hahatid ko sya sa bahay ng 9, kaya pagkadating ko sa bahay, di na ako nakakain agad, nagbihis na ko, tapos hinatid ko na sya. Buti nalang may sasakyan kami, kaya mabilis yung biyahe. Pagkahatid ko sa kanya, bumalik na ako kaagad kasi andun pa sina
Dyey. Syempre bili ng beer~ Hehe. Kwentuhan habang inuman. Hindi na ako nakainom ng marami kasi masakit na ulo ko saka pagod na. Natapos kaming magkwentuhan ng mga 12 am tapos umuwi na sila.
***
Dumating si Les dito sa Manila nung Friday. Ang kulit kasi bago pa sya dumating dito, tumawag pa sya saken nung nagstop-over sila sa Korea. Grabe, kararating lang pero halos wala pang tulog nag-yaya na kaagad mamasyal. As usual, bili ng laruan, at ganto ganyan. Ang lupet nga, may laptop at PSP sya. Sana ako rin hehe~ Ayus lang, reregaluhan naman aku ni Yoj nun eh. *uyyyy nagpaparinig~* Sarap ng feeling kasi magkakasama na ulit kami.
Binigyan ako ni Les ng manga: apat na volume ng Prince of Tennis, at yung mga pinabili kong volume 2 ng Samurai Champloo at volume 2 & 3 ng Kingdom Hearts~ Binigyan si Yoj ng tatlong manga, complete volume ng Uzumaki. Astig, horror na manga!~ Bait nya sobra, tatlong manga lang
pinabili ko, andami pang freebies! Kyut nung t-shirt na "Etna" ng Disgaia.
Tapos nitong Sunday, sinamahan ko si Yoj bumili ng sapatos sa Megamall. Grabe nakakapagod, dami-dami na ngang sapatos na nakita wala pa ring napili. Ayus lang may pizza naman. ^_^ Pagtapos nun, bumili kami ng plastic cover para sa mga manga. Tapos umuwi na kami, tapos nagbalot ng mga manga. Pahinga lang sandali, then nagsimba kami, nagpasalamat kay God (Thanks Dude, You're the best!) para sa blessings na natanggap ko.
Kasabay namin magsimba sina Mon, Dyey, at Les. Pero humiwalay din kami pagkatapos kasi hinatid ko na si Yoj.
Pagkauwi namin sa kanila, nagpaprint ako ng License Grid ng Final Fantasy XII. Pahinga lang ako dun ng isang oras, onting lambing~ Hehehe. Mga lampas 9:30 na ako umalis sa kanila. Ang hirap sumakay pauwi. Hindi na ako nakasunod sa bahay nina Les kasi late na ako nakauwi saka pagod na
pagod na ako.
Kanina naman, nagpunta ako sa Don Bosco Technical College, para sa OJT ko. Nakilala ko yung trainer ko at kinuha ko na yung schedule ko. 8-5 pm,
Monday to Friday. Hehehe patayan~ Pagtapos nun, nagkita kami ni Les sa Mega para samahan siyang mag-enroll. Kaso pagdating namin sa OLGC,
madaming tao kaya tinamad si Les. Buti nalang nakita namin si Dyey at sinamahan kami, pero clearance lang yung nakuha nya, kaya babalik nalang sya bukas. Mga 5 pm na kami nakauwi.
Ayan, buti nalang napilit na naman akong magpost at baka topakin na naman ako at halos makalimutan ko na namang may blog ako. Nyehehehe~
Labyu Mah~ Labyu Bugois~ Thanks sa lahat :-D