Sep 03, 2005 10:32
Nakakabuwiset. May isang tao ngayon na espesyal na espesyal na espesyal sa buhay ko. Sana wag din siyang mawala sa tabi ko. Baka maloka na talaga ako kapag siya ang nawala. Hindi ko siya mahal sa "ganung" paraan, pero mahalagang mahalagang mahalaga siya sa akin. Lord, pakinggan niyo sana ako.
--
Nagpunta ko kagabe sa alumni homecoming. Masaya. Dapat pupunta ako sa 70s Bistro pagkatapos kase may Pinikpikan, at kailangan namin mag-usap ni Carol tungkol sa isang project. Kaso, nagyaya ang mga dati kong batchmates na pumunta sa bahay ng isa pa naming batchmate at dun ituloy ang happy. MEHN! Napainom ulit ako! Pero isang red horse lang. Na 500. Hehehe. Matibay pa pala sikmura ko after almost 4 months of sobriety. Ewan ko na lang yung atay ko (Oy pero magaling na yung sakin tengs gudnes). Dahil dun sa pagkikitang iyon, nagkaroon tuloy ako ng panibagong project. Hoy Mr. Jomar Bernedo, kung hindi natin itutuloy to, magpapatiwakal ako. Haha biro lang.
Project! Kailangan ko ng madaming madaming madaming project. Alam kong ang dami dami ko na ngang ginagawa, pero kelangan walang oras na lilipas na ako'y walang pinag-iisipang project. Dahil hindi ko ata magugustuhan ang mangyayari kapag pinabayaan kong hindi okupado ang isipan ko. At may ibang mga taong umaasa sa mga nakapilang project ko ngayon. Kakayanin ko ba? Oo, alam kong kaya ko, basta't hindi ko lang papabayaang magpa-apekto sa mga bagay bagay sa paligid ko. Kaya kahit dun sa isang taong pilit sinasali yung pangalan ko sa isang issue na hindi na ako dapat kasali ata, eh hindi na lang muna ko magpapakaburat sa kanya. Sayang lang ang energy ko. Madami pa kong ibang gagawin eh.
Balak kong magpa-get together pagkatapos ng first sem. Para magkaroon ako ng pagkakataon makita ang lahat at makabawi kahit kaunti sa mga ibang pinagkakaatrasuhan ko. Kahit alam kong may ibang taong kahit kailan ay hindi na ko makakabawi sa kanila. Diyos na ang bahalang bumawi para sakin siguro.
Nagugutom ako pero Rebisco sandwich diet ako ngayon at nakakadalawa na ko. Tama na.
---
Ikaw (Hindi na ikaw to Lord). Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Pero gusto ko lang muna sabihin na putangina mo, wag kang magkukuwento na gamit ang pangalan ko, tapos bobolahin mo pa ko at iba yung ikukuwento mo din saken. Wala kang mapapala kung gusto mong sirain ang buhay ko. I see right through you. Because unfortunately, you're just like me. Yun na lang muna. Next time na yung iba.
At Ikaw (Iba to ule). Matuto kang makinig sa sinasabe ng alien sa loob ng utak mo. Hehe joke lang. Pero wag kang makinig ng makinig sa mga taong alam mo naman eh meh sapi kadalasan.
---
Masama na kung masama pero natatawa talaga ako sa mga taong sadyang hindi marunong mag spelling ng mga kasimple simpleng salita tapos sablay sablay pa yung grammar. Tangina ang bitch ko talaga. Pero mabait din naman ata ako. UBERBITCH nga pala ako sa Livejournal. Hehe.
---
Comments? E-mail jaja.campos@gmail.com. Magtiyaga kayo. Hehe joke lang. Slight.