Jun 14, 2003 19:54
Otah, muntik na ko mahuli ng nanay ko sa mga kalokokohan kong pinaggagawa sa Pinas. Ngayon lang ako ninerbyos ng ganito na pinagpawisan talaga ko.
Nagiinternet kasi ako tapos biglang sumulpot nanay ko sa pinto tapos pinapakuha sakin yung mga pinadevelop niyang pictures, napilitan lang talaga ako. Buti na lang tinanong ko sa kanya kung anong mga pictures ba yun, sabi niya yung mga nakatambak lang daw sa bag niya. Pagkasabi niya non, nagkakakutob ako na kasama dun yung film kung san nandon yung mga hinahanap kong ibang litrato. Yung film na yun hindi niya dapat makita talaga kasi yun yung mga tipo ng litrato na pag nakita ng nanay mo at obvious na ang mga kuha ay naganap sa kwarto mo tiyak katakut-takut na sermon ang abot mo. Dahil sa kutob na yon, nagmadali akong pumunta sa sa pinagpadevelopan niya.
So ayun kinuha ko na nga. Hindi ako agad lumabas ng shop kasi inisa-isa ko nga yung mga photos. Pucha, tama nga ang kutob ko, nandun yung mga hinahanap ko, after realizing this, ayun, pinagpawisan nga ko sa kaba. Ewan ko bakit pa ko kinabahan e dapat nakahinga nga ko ng malalim e kasi nga hindi yun nakita ng nanay ko. Nandun yung mga pictures ng mga lalaking kainuman namin. Kaibigan naman sila pero siyempre hindi yun maiintindihan ng mga magulang ko. Nandun yung naghahalikan sina Celina at Boyong. Naknampucha, ako kumuha ng mga pictures na yun e, ako pa ang nagintruct na medyo pag-layuin nila yung mga muka nila para makita yung dila nila. Shet, para pala ko talagang tanga non. Tapos mga kuha namin na may hawak na Chivas. Yung kuha ni Mikko at ni Aaron na sabay naligo.
O diba, pag nakita to ng nanay ko papatayin talaga ko. Sus. Buti na lang talaga. Tangina.
Pagdating pa dito sa bahay binilang ni Mama yung mga litrato tapos hinanap niya yung iba. Tapos sabi ko nasakin kasi mga pictures ko yun. Siyempre ginusto niyang makita, o di pinakita ko sa kanya yung iba. Mga 9 pictures lang yung pinakita ko, pero ang dami pang ibang nasakin. Hinanap niya din yun pero sabi ko ayaw ko. Pinilit niya pero siyempre, there's no way I'll let her see those pics. Buti na lang she stopped asking for it.
Puta eto pa, after a few minutes pumunta na naman siya sakin tapos dala-dala niya yung mga negatives, at tinanong niya kung ano ba yung mga ibang litrato na yun. Tangina shet bakit sha ganon!!!!! Harr... Ang ginawa ko na lang inagaw ko tapos sabi ko "Ano ba?!" Nakakainis naman kasi masyadong inusyoso. Pucha.
Haay wala lang. Salamat sa kutob ko.