Usapang Lalaki

Jun 21, 2006 17:19

i got this from candymag. lol, i believe that this "conversation" never took place.

if ever it took place naman, hay... i'd love to meet the people involved in it. ^_^
---
*gabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni.
Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko
maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan
pero lagi na lang lumalabas na parang kahit sang
anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga
lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng
lalake na gumawa ng first move para magtapat ng
pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw
at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag
nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala
naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang
alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang
naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa
yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para
masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya
nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae,
diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal
nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay,
tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan,
lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang
sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila.
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang
mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di
nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha
naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga
asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na
di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na
mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila
alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang
kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip,
iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi. Hindi pa ko ready eh.. ,
Sorry
pero I think we should just be
friends.. , Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba?
Hahahaha.. Better luck next time na lang muna, okay
lang? , Give me a decade. Pag-iisipan ko muna.. , Para lang kitang
kapatid
e..
, yaddah yaddah. Isang
malaking pagsasaklob ng langit at lupa yon para
saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

At hindi lang yon tol. Sa pre-relationship stage pa
lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang
hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak
ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang
dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang
magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm Teka, isipin ko.

Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat
magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at
kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung
anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung
kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad
tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan.
Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala
kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda,
edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay
buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo
magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung
magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi
yung parang pambata lang gaya nila na kesyo
magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama,
at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan.
Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong to, either
sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na
silang better saten, o kaya they need f*cking space
and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong
choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na
ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na
playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga
bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang
ending: mag-ooffer sila ng friendship kuno matapos
tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila,
sawi tayo sa pag-ibig, player na ang image naten, at
higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy
ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan
nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging
single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang
naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka
no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong
hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni.
Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.
Previous post Next post
Up