..barely.
Bumili ako ng Nintendo DS. Ok siya, napapakinabangan ng malaki kapag bored ka at walang magawa pero ayaw mo pang matulog. Pwede mo na ring isantabi muna ang mp3 player mo dahil malalagyan mo rin siya ng mp3s basta may gamit kang flash cart. Sulit.
Half-quit na sa Lineage. Ang laki kasi ng oras at perang nagagastos ko araw-araw para lang maglaro eh. 'Di sulit.
Pinalitan ko yung lay-out ng LJ ko. Napulot ko lang sa paghahanap sa Google yung layout code. Mas ok na to kesa dun sa kahel at itim na tema na ginagamit ko dati na masakit sa mata pero di ko lang mapalitan dahil tinatamad ako. Sulit.
Lumipat na kami ng bahay. Yung dating bahay, kwarto na lang ang inuupahan namin. Maliit yung kwarto, sakto (ang totoo, medyo kulang dahil sa dami ng mga kahon na pinaglalagyan namin ng mga abubot) lang siya sa amin. Medyo sulit.
Medyo nakakaurat sa trabaho ngayon. Ang daming pinapagawa tapos bibigyan ka ng imposibleng timeline. Paano mo ba naman tatapusin sa loob ng isang oras yung Training report, QA report, pakikinig sa recording, Training checklist at job tracker? Tapos madalas pang sira yung system. Malabo. Kunswelo ko na lang yung raise na binigay nila dahil naging regular na ako. Medyo sulit.
Monthsary (wala naman talagang term na "monthsary" di ba? Oh well XD) namin ni Rose ngayon
saccharineroen. 1 year, 3 months na pala kami. Ang bilis ng panahon. Sulit.
Langya tong kapatid ko. Ewan ko kung matatawa ako o maaawa ako sa kalagayan nya ngayon eh. Nung isang araw, tinawagan ako ng kuya ko at sinabi nya na tinutulungan daw niya si Dane na makahanap ng trabaho. Ok, maganda yan, para naman magkaroon ng ginagawa si Dane at mapakinabangan siya sa bahay at saka may girlfriend siya, aminin natin na mahirap magpatakbo ng isang relasyon na wala kayong tinapay kahit paano. Ayos na sana ng biglang tumawag uli sa akin ang kuya ko para sabihin na tinatamad na daw si Dane na mag-hanap ng trabaho. Sinubukan siyang tawagan ulit ng kuya ko pero ayaw ng makipag-usap. Tinawagan naman ng kuya ko ang girlfriend nya para subukan itong tanungin kung anong nangyari. Ang nabanggit lang ng girlfriend nya nagkaroon sila ng pagtatalo. Medyo mabigat ata yung naging pagtatalo nila dahil umabot pa sa punto na nagbanta si Dane na magpakamatay. Ewan ko, nakakatawa eh. Pag nagpakamatay si Dane, naging pasakit lang siya lalo. Akalain mong wala ka ng naitutulong eh papagastusin mo pa ang mga tao sa paligid mo sa pagpapaburol at pagpapalibing pag tinuluyan mo ang sarili mo? Aba, sobra naman ata yan!
Oo, kapatid ko siya pero di ako naaawa sa kanya eh. Siya rin kasi ang responsable sa kung ano mang nangyayari sa kanya ngayon. Blarg.
Ano pa ba? Dami pa eh pero saka na lang ulit ako magkukwento. Imbis kasi na sa report ko na lang ginugol ang oras ko, eto ako at nagsusulat sa lj. Medyo sulit na hindi.
Sarap magtagalog. Maiba naman, puro kaconyohan na lang dito sa opisina eh. Sulit