Masayang araw kahapon! Matagal-tagal na rin nang huli akong nasiyahan sa paglakad ng nag-iisa. Tambay at yosi lang, laro ng Drummania at saka bisita sa Initial D machine.
Pagdating ko ng Greenhills, una ko kaagad pinuntahan ay ang Drummania machine sa Timezone sa Theatre Mall. Napansin kong walang masyadong naglalaro, dadalawa lamang sila. Mabilis akong nagpa-load at nagswipe agad para makasunod na. 'Di ko napansin agad pero cute pala ung naglalaro. Pinagmasdan ko sya (magaling din, di katulad nung mga naglalarong ibang naglalaro dun) at nakatapos sya ng advance na Sobakasu at Tentai Kansoku. Pagkatapos nun natapos na ung laro nya kaya ako naman ang naglaro. Hindi ako nagpasikat, (kasi hindi naman ako magaling) ung mga regular lang ang tinugtog ko. Natapos ko naman ng maluwalhati at hindi ako na-fail XD (pero kinabahan ako ng konti sa Infinite, muntik na ko e ehehehe!). Nagswipe ulit sya, inalok ko na sya ng drum sticks kasi ginagamit nya lang ung mala-barbel na sticks ng machine, tinanggap naman nya ang aking alok. Naglaro sya, pinanood ko lang syang maglaro at nang matapos na syang maglaro ay ibinalik nya sa akin ang aking drum stick at ako'y kanyang nginitian. Pagkatapos nun lumabas na sya, kasama ng kanyang magulang, ng Timezone.
Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi ko tinanong ang kanyang pangalan. Sasabihin ko sa'yo ang dahilan... Bata lang un, mga 14 lang. Mahirap nang ma-lethal injection XD
Pagkatapos kong maglaro sa Timezone, nagtungo naman ako ng Virra Mall para maglaro ng Initial D. may nasumpungan akong naglalaro, nakahanda sya para sa pakikipaglaban kaya bumili na ako ng mga token para masubukan kung marunong pa akong maglaro. Ng magsisimula na ang laban e humirit ung kalaban na, "kuya, plus ko ah". Napamura na lang ako, gusto ko sana syang batukan pero nagpigil na lang ako. Naglaban kami, humiling pa sya na Akina kami maglaban, at syempre ako ang nanalo (ako bida ng kwento na to e mwehehe!) Nagpalit sila ng manlalaro, dinala naman ako ng Tsuchisaka, natalo ako so binawian ko sila sa Akina ulit. Nagpalit na ng kotse si mokong pero lalo lang syang natalo kasi hindi nya nakuha ang panimula sa akin. Ayun, tinigilan na rin ako. Gustong gusto ko nang sumigaw kahapon ng Jihad, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Nakakaaliw talaga.
Makabalik ng Greenhills sa lunes, sana maaliw muli ako :)
Drinking is good ;) right,
mionggay. :P
testing lang, wag pansinin...
Siam Shade - Dreams