Bago ako mag-umpisa sa Constitutional Law, nanakawin ko muna ito kay
yumipitz.
1. baket ang babae ang dame tanong?
- Pano makakakuha ng sagot kung hindi nagtatanong diba?
-2. ano pinag-uusapan niyo sa loob ng comfort room?
- so, kung di mo alam, malamang lalaki ka. so, nagtatanong ka. eh kaw rin pala, maraming tanong ah! heh. we talk about everything under the sun.
3. ano meron sa kikay bag/kit mo?
- uh wala akong kikay bag/kit. basta sa backpack ko, o kung anumang dala kong bag, may suklay. yun na un.
4. nakapasok na ba kayo sa guy's cr?
- haha di pa naman ako nabibiktimang ng absentmindedness na pati banyo ng lalaki pinapasok ko.
5. pumupunta lang ba kayo sa starbucks dahil sa poging barista?
- ah...di ako masyadong nagpupunta sa starbucks. pero kung nandun ako, at may pogi, eh di maganda! LOL
6. hindi ba kayo nagsasawa sa "iced tea?"
- masarap eh...bakit? may angal?
7. ano feeling ng tinititigan kayo?
- ewan. tanong mo ung iba.
8. eh yung may ibang klaseng titig?
- may iba-iba bang klase ng titig?
9. do you really keep "secrets"?
- sino bang hindi? nasa bill of rights ata un, everyone's right to privacy hehe
10. baket galet kayo kay kris aquino?
- di naman ako galit. naiirita lang ako sa pagsasalita niya. sobrang conyo eh.
11. baket gustong-gusto niyo yung "a walk to remember?"
- Di ko siya gusto. kind of overly-cheesy.
12. baket pag-senabe namin maganda ang isang gurl, either bola or bola lang yun..
- ewan. bola ba?
13. baket pag tumingin kame sa emailed nude pics, malaswa na kame?
- eh kung yun na ung inaatupag niyo day and night, medyo problema na un.
14. ano pa ba?
- ewan...dami mo ring tanong eh.
15. baket mataray kayo minsan?
- la lang. heh.
16. baket kayo nagpupuyat?
- ewan ko ung iba. ako kasi law student. requirement un.
17. ano gusto niyo sagot ng guy pag tinatanong niyo kung "payat ba or tumaba ako"
- wag mo na lang sagutin. para safe ka pa rin. ibahin mo na lang usapan. hehe.
18. at bakit ang tagal ng mga babae kapag pumupunta sa banyo?
- mas maraming mga babaeng pumupunta sa banyo, kaya laging mahaba ang pila. at siyempre, ung iba, mga nanay na may kasamang mga anak, na aasistihan pa nila.
18 bakit kelangan na in groups pumunta sa cr?
- ewan. ako di ako nagsasama ng grupo.
19 bakit mahilig kayo sa pink?
- not me.
20 bakit ang hilig tumili ng mga babae?
- ewan. kasi mas mataas boses ng babae?
21 bakit kayo moody?
- sus. lahat naman moody. iba lang ang pagka-moody ng lalaki.
19. baket kayo nangungurot! masakit yun ah...:(
- ahahaha di ako nangungurot. nananapak ako.
20. mahilig kayo magpalibre..
- actually, i'm not. i don't like being in debt to anyone, even "morally". shyet tama na ang pagbabasa ng civil at family code.
21. ano ang definition niyo ng "makulet"?
- yung ayaw tumigil kahit na sinabihan nang tumigil, at ayaw manahimik kahit sinabihan nang manahimik.
22. aminin niyo kayo nag-pauso ng "me" na text lingo
- actually, i hate those kinds of texters. mahirap bang isulat "nandito na ako?" kahit man lang "nand2 n k". mga lalaki nga ung gumagamit nun eh.
23. sama mo na rin *** "smiles" na letter u / ,
- bakit asterisk?
24. tsaka ":hmp:?" kayo nagpauso nun dB?
- ewan. wala pa naman akong nakakausap na nagsulat nun.
25. hindi talaga kayo nagsasawa sa iced tea? promise?
- bakit, marami rin namang mga lalaking umiinom ng C2 ah.
26. kayo lang ba may karapatan gumamit ng lip balm?
- may sinabi ba ako? basta wag ka lang gagamit nung glittery o may kulay.
27. mabango ba talaga ang clinique happy?
- ewan. di ako gumagamit nun.
28. do you really keep secrets? ganun?
- sino bang hindi?
29. baket defensive kayo madalas.
- because some people have this talent for making you feel as if you always have to defend yourself.
30. ano ibig sabihin ng "di masyadoh" (honest answers pls.)
- "not so much"?
31. eh, "ewan ko sa yo?"
- english--"I don't know with you" heh.
32. "bahala ka"
- english--"up to you"
33. "k" lang
- k lang rin.