Mag-ingat sa mga icclick na links sa facebook. Mayroong kumakalat na link sa mga messages at sa mga walls na magdadala sa inyo sa mga hack sites at mga sites na may virus.
isa na rito ang
www.N70.InFO/2d (ito ay hindi tunay na link ginamitan ito ng maikling URL)
dadalhin kayo nito sa isang "facebook login page" na sinasabing kayo ay na-logout.
HINDI ITO TOTOO! Hindi kayo nalog-out sa facebook!
Walang Universal Log-Out Link para sa facebook! Iba-iba ang log-out link nating lahat!!
PAALALA! Huwag ipapasok ang username at passwords ninyo! Ang site ay HINDI FACEBOOK!!! at ang naturang site ay kinokolekta ang mga username at passwords nang mga taong nagkamaling ibigay sa site na ito ang kanilang passwords. Magpapadala ito ng mga mensahe sa wall at sa mga inbox nang kaparehas na link sa mga kaibigan ninyo para sila rin ay mabiktima
Kailangang nating maging mapanuri sa login page ng Facebook. Makikita sa mga sumusunod na larawan ang pinagkaiba ng totoong Login page ng Facebook at ng pekeng Login Page.
Ang itsura ng tunay na Login Page
Chromium
Mozilla Firefox
Internet Explorer
Opera
Google Chrome
May maliit na pinagkaiba ang Google Chrome sa iba pang browser na sinubukan. Ang "Login" sa Chromium/IE/FF/Opera ay "Log in" sa Chrome. Ito ay natural at hindi dapat ikabahala
Ang Itsura ng Pekeng Login Page
Sa Chromium / Google Chrome / Mozilla Firefox
Opera
IE
Tandaan! May Babala na lalabas sa Mozilla Firefox, Chromium/Google Chrome at Opera sa oras na makaclick ng mga Pekeng Site tulad nang kumakalat ngayon. (Makikita sa mga Larawan sa ibaba). Walang ganitong abiso ang matatanggap sa Internet Explorer!!!
Kung naipasok ang inyong Username at Password sa pekeng facebook site, agad palitan ang inyong mga password. At magpadala ng mensahe sa facebook o basahin ang pahinang ito para sa karagdagang kaalaman.
http://www.facebook.com/help.php?page=797