Binaha, nabaliw.

Aug 18, 2007 22:40

Kanina ko lang na-realize na hindi pa 'ko handa maging "adult". 18 na 'ko pero hay, tangina. Nung "nawawala" ako sa Maynila dahil kung saan-saan sumuot yung dyip na sinakyan ko kasi baha na all around, di ko malaman kung ano na gagawin. Sana nandon talaga yung mama ko nun, totoo. :(

Mga ilang minuto akong naging hysterical dahil wala na nga akong makitang mga kalsada. Puro tubig na abot tuhod na. Yung dating nakikita ko lang sa tv e live ko nang nakikita habang andun ako sa dyip/barko.

Napadakot pa tuloy ako sa maitim na tubig baha sa pag-aakalang nahulog ko ang isang bagay na hiram ko lang naman sa isang kaibigan. Pansamantalang nakalimutan ko rin kung paano magtext, kung paano gamitin ang third world kong celfone, at dahil don e tumanga lang ako sa isang kalsada ng hindi ko namalayan kung gaano katagal. Hindi ko kaagad naisipan na magtanong ng direksyon. Sus naman.

Ewan ko talaga kung ano nangyari sakin non. Ala-nervous breakdown.

Nakakatawa nalang dahil pwede naman palang lakarin mula don yung "meeting place" namin ng mga groupmates ko, yun e kung alam ko lang sana yung daan. Siningil pa tuloy ako ng isang Buwayang nakasakay ng traysikel ng 80php.

ASAN ANG MGA PUTANGINANG TAXI PAG KELANGAN MO SILA?

Owell. At least may na-accomplish naman kami. :)
Previous post
Up