dream team vs dumi-dream team

Apr 20, 2007 20:07


Pwede naman palang mag-advanced course e. PE nga lang! Ganyan ka-cool sa USTe. :))

Pero grabe. Sarap nga mag-summer ng PE! Tama ka nga, Lebebe!

Ito lang talaga ang masasabi kong PE na nage-enjoy talaga ako. Basic Volleyball under Prof. Ragunton. Nakaka-depress nung first day dahil tatlo pa lang kami nina Adie at Bryan sa group. According to college kasi. AB represent! Haha. Yung other groups, 10 na sila tas kami tatatlo lang!

Tapos, sabi ni Ragunton, sa amin nalang daw mapupunta lahat ng mga absent at late enrolees. At dumagdag nga sina Jessica, Tina, JM, Kai, Tina, Doods, Paolo at Rem nung succeeding days at kami na ang naging pinakamasayahing team :D :D :D na ang official drink ay yung Rush na blue.

Kami rin pala ang pinakatamad mag-warm up. Pero keri naman dahil panalo kami lagi e. (So far, so good!) Naglalakad lang tapos pag malapit na don sa pwesto ni Ragunton e biglang magjo-jogging (kasi yun naman talaga yung pinapagawa) tas pag naka-ikot na kay Ragunton e maglalakad na kami ulit. Nakatalikod naman na kasi siya non!

Habang yung ibang teams, nakows. Kulang nalang e magdala ng equipment. Totoo!

Lalo na yung isang team. Aba. E nanghamon ba naman na agad na maglaban na daw kami! Tapos sinabi ni (Coach) Adie na wag muna dahil magpa-praktis palang kami (dahil nga "Hello? Third day palang non!"). At sinabihan ba naman kami na ang aarte namin! TSSSS. Right!

Hay nako.Sana sinapak mo nalang talaga yung gagang yon, Adie. Halimaw talaga kaya yon, nagpapanggap lang na babae!

O, diba. Buti nalang at may contrabida. Syempre kung wala, di magiging ganun kasaya at ka-exciting nung PE ko.
Previous post Next post
Up