Mga Aprubadong Aplikasyon

Mar 22, 2006 16:32

Dito ilalathala ang mga natanggap na aplikasyon ng mga tauhan sa TOLcantadia:

Leave a comment

Diwata Hineia lunaticmoon_63 March 24 2006, 01:16:01 UTC
A. Personal na impormasyon
Pangalan/username: Francis// username: classicsonata
E-mail: hatorimachan at gmail dot com

B. Impormasyon para sa tauhan
Pangalan/username: Himeia
Edad: Labimpitong taon
Lahi: Diwata
Personal na kasaysayan: Si Himeia ay galing sa isang pamilyang simple. Siya ay ginawang isang simpleng bata. Ngunit siya'y binigyan ng biyaya ni Emre na magkaroon ng magandang boses at pagkadalubhasa sa pagkanta. Si Himeia ay mabait na bata na walang iniisip na masama sa kanyang mga kasama o kalahi o sa ibang lahi ng Encantadia. Siya'y nabuhay ng simple. Ngunit noon, ang kanyang i-lo at i-la, na kasama ang kanyang ama ay nakipagaway sa mga rebeldeng Hathor, naiwan si Himeia sa kamay ng tadhana: nawalan ng minamahal na ama, at dahil namatay na rin ang ina niya sa kalungkutan at sakit ng puso, siya'y naiwan mag-isa. Si Himeia ay nakapag-isip sa buhay niya, at nag-isip na magsilbi sa palasyo ng Lireo. Pagtanggap sa kanya bilang isang sundalo, siya'y napakinabangan bilang magaling na mandirigma. Ngayo'y ilang taon na, at siya pa rin ang pinakamahusay sa pakikipagdigma.
Paglalarawang Pampisikal: Mahaba at itim na buhok. Ang iba nito ay may ibang kulay na malalim na asul na may pagka-berde. Mataas ang pagkatangkad ni Himeia, siya'y umaabot sa 5'11. Ang palagi niyang suot ay ang kanyang gayak pandigma. [[ang Gayak Pandigma ni Himeia ay parang suot ng isang mananayaw... and for lack of better words I'll say it in English XD...]]

Black short skirt with a silver belt above it that has another "skirt" layer around it, like a longer skirt with a slit on it that extends up until the belt; the longer skirt is colored dark purple. Her upper torso is covered by lightweight golden-colored garb that covers only her breasts and are longsleeved. She has an assortment of necklaces that are connected in the middle by one pearl. Her head is adorned by a tiara.
Body Model: [[wala pang napipili, kaya'y wala akong maisasadula dito.]]

Magbigay ng bahagyang pagsadula na hindi kukulang sa isang talata:

Si Himeia ay napatingin bigla sa iba't-ibang mga paninda sa palengke ng Sapiro. Tumitingin siya sa mga iba't-ibang mga kagamitan, mga sandatang pang sundalo, mga paneya, prutas at iba pang mga alahas galing Adamya. "Aba," lumabas na boses ni Himeia na may pagkahinhin at pagkaMaria Clara. "Ang mga tauhan ngayon ay medyo maybuhay ngayon, hindi ba?" sinabi niya sa mga kasapi niyang nasa tabi niya, na tumitingin rin sa mga tindera na sumisigaw. "Paneya, bumili na ng paneya!" may sumigaw malapit kay Himeia, at sa susunod ay nakapunta na rin siya sa kanilang destinasyon; ang Palasyo ng Sapiro.

Mga Abilidad, Talento at Hobby: Si Himeia ay magaling sa pagkanta at may lahing sirena, kaya maganda ng kanyang boses at ginagamit niya ito bilang kapangyarihan. Magaling siya sa pandirigma. Ang mga hobby niya ay ang pagtingin sa mga ulap o pagtingin sa mga view. Si Himeia ay mahilig rin kumain, ngunit paminsan-minsan lamang.
Mga Kahinaan:(kada isang talento, dapat mayroon kang dalawang kahinaan) Si Himeia ay takot sa mga sunog at mga tauhang may deporma sa kanilang katawan. Hindi niya gusto sa mga bundok dahil may takot siya sa matataas na lugar. Hindi siya makapigil na pumatay ng mga gagamba o mga insekto.
Sandata: Dalawang pamaypay na kulay itim na may talib sa itaasan na parte ng pamaypay.
Panig: Sa mga Sang'gre ang panig niya.

Reply


Leave a comment

Up