Apr 04, 2006 16:46
Pangalan ng Linggo: Ang Pag-usbong ng mga Pagsubok
Ganapan: Sa dagat, sa isla ng Aguere at sa palasyo ng Aguere.
Mga tauhang may kinalaman sa pangyayaring ito: Sang'gre Chimera, Sang'gre Habagat, Sang'gre Alon, Sang'gre Dagohoy, Diwata Himeia, Haring Bughaw, Pinunong Berde at mga lagalag na tauhan ni Haring Bughaw.
Mga tauhang kinakailangang sumali:(optional) Lahat ng nabanggit sa itaas.
Lumalaki ang butas sa 'Dragon'. Unti-unting pumapasok ang napakaraming tubig dagat. Unti-unti na ring lumulubog ang malaking sasakyang pandagat.
"Susubukan kong pigilin ang pagpasok ng napakaraming tubig," Sambit ni Alon at sinubukang alisin ang napakaraming tubig na pumasok sa sasakyang pandagat gamit ang kanyang angking kapangyarihan ngunit wala itong nagawa.
Sumuko si Alon at pahingal na nagsalita. "Hindi maari,"
"Anong hindi maari?" Tanong ng nag-alalang Habagat.
"Hindi ko makayang alisin itong lahat. Sobrang dami ng pumasok na tubig, lulubog pa rin tayo." Wika ni Alon.
"Hindi rin tayo pupuwedeng maglaho dahil hindi pa tayo nakakarating sa isla at hindi natin alam kung anong hitsura nito," Dagdag pa ni Dagohoy.
Habang unti-unting pumapasok ang napakaraming dagsa ng tubig ay lalo namang nag-alala ang mga sang'gre hanggang nakaisip pa ng paraan si Habagat. Lumipad siya at hinawakan niya si Himeia habang lumilipad.
"Isang tao lamang ang kaya kong dalhin,"
Nagtinginan si Alon at Dagohoy at tingingnan ng masama si Habagat.
"Ah! May naisip akong paraan, hintayin nating tuluyang lumubog ang 'Dragon'," Wika ni Alon.
Tiningnan ni Dagohoy si Alon. "Baliw ka na ba? Gusto mo ba tayong malunod?"
Ngumiti ang sang'greng may kapangyarihan ng tubig. "Magtiwala ka, alalahaning mong elemento ko ang babagsakan natin,"
At nagkaganun na nga. Lumubog ang 'Dragon' sakay ang dalawang sang'gre. Kuminang nang berde ang dagat at nakulong sa isang bula ang dalawang sang'gre. Minulat ni Dagohoy ang kanyang mga mata at nakita niyang nasa isa siyang bula kasama si Alon.
"Kita mo na?" Ngumiti si Alon. "Hindi tayo pababayaan ng dagat,"
"Oo nga no," sambit ni Dagohoy. "Kung sila ay nasa himpapawid, tayo nama'y nasa dagat."
* * *
"Nakakinis! Anong hindi ninyo sila napatay?" Galit na wika ng isang lalaki.
"Paumanhin po mahal na pinunong Berde ngunit sadyang napakalakas nila," Wika naman ng isang pirata.
Ngumiti ang pinuno at tsaka tumanaw sa isang teleskopyo. "Buweno, hindi na sila makakatakas sa gagawin ko. Ihanda lahat ng pirata sa may bundok at maghanda rin ng mga katapulto. Tingnan natin kung hindi pa sila mapaslang!"
* * *
Napatingin si Himeia sa malayo at may nakita siyang paparating.
"Ano iyon, mahal na sang'gre?" Tanong niya.
Tiningnan nang mabuti ni Habagat ang mga bagay na paparating at nagulat siya kung ano ang mga iyon. "Mga bolang apoy!"