kabataan, makiisa!

May 11, 2007 15:39

Agham Youth's
10 Reasons Why We Should VOTE KABATAAN
PARTYLIST

1. KABATAAN ito, kapatid!
Ang Kabataan Partylist ay natatanging
partylist na itinatag, pinamumunuan, at
itinataguyod ng mga kabataan para sa
interes nating mga kabataan.

2. STRENGTH IN NUMBERS
May mga chapters ang Kabataan Partylist
mula Luzon hanggang Mindanao. Ni-uunite
nito ang mga kabataan ng sangkapuluan
hindi lang sa kongreso kundi sating mga
paaralan, komunidad at pagawaan.
Kinikilala din nito ang lakas ng ating
pinagsamang tinig at boses sa Mababang
Kapulungan maging sa lansangan.

3. Because IT IS RIGHT!
Yes, Education is a Right! Iginigiit at
itinataguyod ng Kabataan Partylist ang
karapatan nating kabataan sa edukasyon
sa pamamagitan ng dagdag na pondo sa
edukasyon at kagyat na pagpapatigil ng
tumitinding komersyalisasyon ng
edukasyon.

4. PANG-KABUHAYAN Showcase!
Isinusulong din ng Kabataan Partylist
ang pagkakaroon ng disenteng trabaho at
kabuhayan hindi lamang para sa mga
kabataan kundi para sa lahat ng
mamamayang Pilipino.

5. STAR STUDDED ITO!
Who else kundi sina Papa Dennis Trillo
at Ate Angel Locsin ang nag-eendose ng
Kabataan Partylist sa kanilang video sa
You Tube! Tulad nila ay sumusuporta din
sa mga itinataguyod ng Kabataan
Partylist sina Dino ng Brownman
Revival,
Datu's Tribe, Ciara Sotto, Marvin
Agustin, Paolo Ballesteros, at our very
own Atom Araullo!!! O diba, i-star
i-studded! (para mapanood, pumunta lang
sa www.kabataanparty. com)

6. TALENTADO TAYO!
Kinikilala ng Kabataan Partylist na
mahalagang pagyamanin din ang sports,
kultura, at sining para sa pagpapaunlad
ng Kabataang Pilipino. Para naman hindi
nasasayang ang ating mga angking
kakayahan at talento, di ba?

7. PEACE, MAN!
Sinusuportahan ng Kabataan Partylist
ang
mga batayang karapatan ng bawat
Pilipino
na mamuhay sa isang lipunang mapayapa
at
malaya mula sa krimen, pagkalulong sa
droga, giyera, militarisasyon, peligro
sa kapaligiran, dekadenteng kultura,
prostitusyon, kagutuman, at
diskriminasyon sa kasarian, edad,
kapansan, at relihiyon.

8. SERVE THE PEOPLE!
Kinikilala ng Kabataan Partylist ang
papel nating mga kabataan sa pagbabago
ng mundo. Isang pagbabagong higit na
makabuluhan kung ating ilalaan sa
paglingkod sa bayan at sa lahat ng
sektor (manggagawa, magsasaka,
maralitang tagalunsod, pambansang
minorya, atbp) na matagal nang
ipinagkakait ng isang maayos na
pamumuhay. Kaya't hindi mawawala ang
battlecry nitong Serve the People!

9. PAG-IBIG!
Ipinagtatanggol ng Kabataan Partylist
ang PAG-IBIG! at debosyon sa Inang
Bayan
sa pamamagitan ng pagbabantay sa ating
kalayaan at respeto sa pambansang
patrimonya at soberanya.

10. TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN!
Dapat may SAY na tayo!
Titiyakin natin na ang mga kabataan ay
makikinabang at makakalahok sa lahat ng
aspeto ng pamumuno ng gobyerno at
pagdedesisyon ng mga kinatawan ng
pamahalaan. Dahil tayo ang pag-asa ng
bayan, sa ATIN ang KINABUKASAN, kaya
nararapat lamang na may SAY tayo sa
kung
anong klaseng kinabukasan ang dapat na
mapunta sa atin.

Kabataan, Mag-aral, Maglingkod,
Makibaka!
Tayo ang Pag-asa! Tayo ang Kinabukasan!
IBOTO! KABATAAN PARTYLIST!

kabataan

Previous post Next post
Up